aging usap-usapan sa socmed kamakailan lang si Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo matapos nitong simulan ipa-auction ang kaniyang 1969 Charger R/T vintage car.
Kaya naman ginagawa din ng ating pamahalaan ang kanilang makakaya upang magbigay ng relief goods at cash assistance para sa mga Pinoy na lubos na apektado ng ECQ sa bansa. Maging ang mga local government units (LGUs) leaders ay nag-iisip din ng paraan kung paano sila makakapagbigay ng tulong para sa kanilang nasasakupan.
Naging usap-usapan sa socmed kamakailan lang si Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo matapos nitong simulan ipa-auction ang kaniyang 1969 Charger R/T vintage car.
Maliban pa diyan, ang pera din na kaniyang matatanggap ay itutulong niya din para sa mga Kawitenos na apektado ng ECQ, lalo na ang mga senior citizens sa kanilang lugar.
Sa post ni Mayor Angelo sa kaniyang socmed account, ibinahagi niya ang auction video kung saan pinakita niya ang naturang sasakyan na kaniyang ipinapa-auction at ang buong detalye nito.
Dagdag ni Mayor na noong nakaraang linggo pa nagsimula ang bidding para sa kaniyang classic car at ngayon ay umabot na sa Php5.9M ang highest bid para sa sasakyan.
Ang bidding naman na ito para sa classic car ng butihin alkalde ay bukas na lamang hanggang ngayong linggo.
Samantala, ang 1969 Charger R/T vintage car naman na ito ni Mayor Angelo ay isa sa mga pinakaiingatan niyang mga sasakyan kaya naman mahirap din para sa kaniya na bitawan ito.
Ngunit, dahil sa C0VID-I9 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, mas pinili ni Mayor Angelo na ipa-auction na ang sasakyan upang makapagbigay pa ng tulong para sa kaniyang nasasakupan.
Ani ng alkalde sa kaniyang post,
"Mahalaga po para sa akin na masigurong nabibigyan ng sapat na atensyong medikal ang ating mga lolo’t lola. Kaya’t upang makatulong na maibsan ang bigat ng gastusin sa ating laban sa C0VID-I9, akin pong ipina-auction ang aking 1969 Dodge Charger R/T Vintage car upang makalikom ng pondo para sa mga programang pangkalusugan natin lalo na para sa ating mga senior citizen. At GOOD NEWS PO! Umabot po sa 5.9 MILLION PESOS ang highest bid sa ngayon. Going once? Going… Bukas po ang bidding natin hanggang ngayong linggo."
"Di po natin alam kung kailan talaga matatapos ang krisis na ito, at bilang inyong alkalde, responsibilidad kong mabigyan kayo ng maayos na pamumuhay. Kaya’t kahit malapit sa puso ko ang sasakyang iyon, ay hindi po ako nag atubiling, ipa-auction ito. Dahil ito po’y bagay na mas makakatulong sa inyong lahat," dagdag ni Mayor.
COMMENTS