Isa sa maituturing na pinakamagandang isda sa bansang Pilipinas ay ang Parrot fish o mas kilala sa tawag na 'Isdang Loro'.
Isa sa maituturing na pinakamagandang isda sa bansang Pilipinas ay ang Parrot fish o mas kilala sa tawag na 'Isdang Loro'. Ang isda na ito ay inihahalintulad sa isang ibong loro o parrot dahil sa tila pagkakapareho ng tuka ng ibon sa nguso ng naturang isda at maging ang kulay nito ay magkaparehas.
Tanging sa karagatan lamang din ng Pilipinas maaaring makita ang isdang loro. Ang mga ganitong uri din ng isda ay madalas na kinakain ang mga coral reefs.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, halos 90 porsyento ng oras ng mga isdang loro ay inilalaan nila sa pagkain ng mga lumot sa karagatan.
Base naman sa natuklasan ng mga eksperto, ang Parrot fish ay mayroong magandang dulot para sa ating karagatan dahil ang mga nilalabas nilang dumi ay mga buhangin. Sa loob lamang ng isang taon, mahigit na nasa 200 pounds na ang nilalabas nilang buhangin kaya naman hindi nawawala ang pagkapal ng mga buhangin sa kailaliman ng karagatan.

Ibinahagi naman ng netizen na si Reg O Carlotta sa kaniyang socmed account ang ilang magagandang bagay na nagagawa ng isdang loro para sa ating karagatan.
Si Carlotta ay isang professional diver kaya naman alam niya kung gaano kahalaga ang mga isdang loro sa ating karagatan.
Kwento ni Carlotta, habang siya daw ay naglalakad pauwi at binabaybay ang bandang palengke sa Alabang, napukaw daw ng kaniyang atensyon ang mga isdang loro na binebenta sa naturang palengke.
Dahil dito, kaagad naman niyang kinuhanan ng litrato ang mga naturang isda. Matapos nito, kinausap din daw ni Carlotta ang tindero at hinikayat niya ito, maging ang publiko, na sana ay tigilan o iwasan na nila ang paghuli at pagpatay sa mga Parrot Fish nang sa gayon ay hindi ito maubos sa karagatan sa bansa dahil isa ang mga isdang ito sa pinakakailangan ng karagatan dahil sa maraming benepisyo na maibibigay nito sa ating karagatan.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol sa post ni Carlotta.
Ilan sa kanila ang nagsasabi na maaari namang kainin ang isdang loro dahil bukod sa masarap ito ay marami din itong masusustansyang bagay na maaaring ibigay sa katawan ng isang tao.
Ilan sa kanila ang nagsasabi na maaari namang kainin ang isdang loro dahil bukod sa masarap ito ay marami din itong masusustansyang bagay na maaaring ibigay sa katawan ng isang tao.
Sinagot naman ni Carlotta ang mga ganitong uri ng komento at sinabi niya,
"Yes, pwede kainin but for us divers this is a big No No!! there are important reasons why we should not eat them and dapat we should educate the fishermen to stop them catching these beautiful fish."
Pagpapatuloy niya,
"There is a reason for their existence so please let's not eat them. Alamin natin bago natin kainin."
Ang post naman na ito ni Carlotta ay isa lamang paalala para sa ating lahat ang magagandang bagay na maaaring ibigay ng mga isdang loro para sa ating karagatan.
Hinikayat niya ang marami na patuloy lamang i-share ang kaniyang post upang ito ay mapansin ng gobyerno nang sa gayon ay mapagbawal nito ang pagpatay o paghuli sa mga Parrot fish.
Hinikayat niya ang marami na patuloy lamang i-share ang kaniyang post upang ito ay mapansin ng gobyerno nang sa gayon ay mapagbawal nito ang pagpatay o paghuli sa mga Parrot fish.
COMMENTS