Kasalukuyan na din kumakalat ang naturang video na ito sa iba't ibang socmed platform kung saan ito ay nagbigay aliw at good vibes para sa maraming netizens.
Sa nagdaang online forum na isinagawa ni Pasig Mayor Vico Sotto kahapon lamang kasama ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari kung saan ito ay nagbigay ng aliw at tuwa sa mga netizens na nakasaksi at nakakita nito.
Sa naturang live Zoom call, bigla na lamang mayroong lumitaw na isang larawan ng lalaki na nakahubad sa background ng naturang online forum, kung saan ito ay tinatawag NSFW Zoom at hindi din kaaya-aya o angkop para sa mga video na katulad nito na lalabas sa publiko.
Kasalukuyan na din kumakalat ang naturang video na ito sa iba't ibang socmed platform kung saan ito ay nagbigay aliw at good vibes para sa maraming netizens.
Habang nagsasalita si Vico at sinabi na, "Definitely we will not shut down establishments that are selling food and other necessary supplies."
Ang naturang larawan ay bigla na lamang lumitaw at tumagal lamang ito ng ilang segundo. Ngunit, ang sandaling pagkakataon na iyon ay sapat lamang para magpagulat sa marami, maging si Mayor Vico ay nagulat din sa pangyayaring iyon.
Sa katunayan, nahinto pa ang pagsasalita ni Mayor Vico ng ilang segundo at napangiti na lamang ng bahagya dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Samantala, sa Zoom naman ay maaari kang pumili ng kahit anong background na nais mo para sa iyong online calls. At tila mayroon isang tao sa tawag ang gumagamit ng naturang larawan para sa background ng kaniyang call.
Ang online forum naman ay naganap kahapon lamang, Abril 22, alas diyes ng umaga. Sa ngayon, umabot na it osa mahigit na 79,000 views at 1,492 shares mula sa mga netizens. Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o komento ang FOCAP at si Mayor Vico tungkol sa larawan.
Panoorin ang naturang live video at maaari mong mapanood ang hindi inaasahang pangyayari sa 14:59 na oras.
COMMENTS