Isang lalaki ang nakaisip ng isang paraan para makapamili ng pagkain pero nang hindi nangangailangang lumabas ng bahay.
Malamang na isa ka rin sa mapapa- 'Sana All' kapag nakita mo ang larawan ng isang aso na ipinamili ang kaniyang amo na naka-quarantine.
Dahil sa malawakang epekto ng C0VID-I9 sa buong mundo, halos lahat ng tao ang napilitang mag-quarantine sa loob ng kanilang tahanan para makaiwas sa nakamamatay na v1rus.
Pero dahil mayroon pa rin tayong ibang mga pangangailangan na wala sa loob ng ating tahanan, kailangan pa rin nating lumabas paminsan-minsan.
Dahil sa ipinatupd na quarantine, isang lalaki mula sa Mexico ang nakaisip ng isang paraan para makapamili ng pagkain pero nang hindi nangangailangang lumabas ng bahay.
Sa socmed post ni Antonio Muñoz, makikita na inutusan niya ang kaniyang aso para mamili ng pagkain niya.
Nagpadala ng sulat si Antonio sa kaniyang aso na nagsasabing, "Hello Mr. Shopkeeper. Please sell my dog some Cheetos, the orange kind, not the red ones, they’re too hot. She has $20 attached to her collar."
Nagbabala naman siya sa kaniyang sulat, "WARN1NG: She will bite if not treated right. Your front neighbor."
Hindi naman nabigo si Antonio sa task na ibinigay niya sa kaniyang aso. Maya maya pa, nakita na niyang parating na ang kaniyang alagang aso at dala dala na ang kaniyang ipinabiling cheetos, lakip na rin ang sukli sa ipinabili niya.
Tuwang tuwa naman ang mga netizens na nakakita sa larawan ng aso ni Antonio na namili ng pagkain ng kaniyang amo.
Ang naturang post ni Antonio ay mayroon nang 31k reactions at 250k shares mula sa mga netizen.
Bidang bida ang asong ito ngayon sa socmed at marami din sa mga tao ang nagnanais na mai-train ang kanilang aso para magawa iyo. Pero tandaan nawa natin na maging ang mga alagang hayop ay kailangan ding mailayo sa panganib, sa sakit man o sa aksidente sa kalsada.

COMMENTS