Tignan Ang Ilan Sa Mga Pinaka-Engrandeng Kasal Ng Mga Paborito Niyong Artista

Narito ang ilan sa pinakamaganda at pinaka-engrandeng kasal ng ilan sa ating mga paboritong showbiz personality:


Isa na siguro sa pinakamasaya at pinaka-memorable na araw para sa ating lahat ay ang pagtupad ng pinapangarap nating kasal kasama ang isang tao na nais natin makasama habang buhay.

Mayroong ilan na mas pinipili na maging praktikal at sinisimplehan na lamang ang kanilang kasal habang mayroon naman na talagang pinaghahandaan at pinaggagastusan ang kanilang kasal.

Ngunit, sa usapin tungkol sa mga showbiz personality, alam naman natin na talagang paggastusan at paghahandaan nila ang kanilang kasal nang sa gayon ay maging komportable at masaya ang kanilang mga guests at maging isa sa pinakamaganda at pinaka-memorable na araw para sa kanila ang pinakahihintay na kasal.

Narito ang ilan sa pinakamaganda at pinaka-engrandeng kasal ng ilan sa ating mga paboritong showbiz personality:

* Paul Soriano at Toni Gonzaga


Nagpakasal naman ang actress na si Toni Gonzaga sa longtime boyfriend na si director Paul Soriano matapos ang walong taon ng pagiging magkarelasyon.

Ang kasal ay ginanap sa United Methodist Church sa Taytay, Rizal, kung saan lumaki si Toni. Dinaluhan lamang ng ilan sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan, kasama na ang ilan sa mga kilalang personalidad at artista sa showbiz industry.

Matapos naman ang kasal sa Taytay, ginanap naman ang kanilang engrandeng reception sa Rockwell Tent.

* Karylle at Yael Yuzon


Ang singer/host naman na si Karylle ay kinasal sa kaniyang long-time boyfriend na si Yael Yuzon sa San Antonio de Padua Church sa Silang Cavite noong Marso 21, 2014.

Ang kasal ng dalawa ay tinawa na 'Wedding of the Year' na mahigit na 150 guests ang dumalo sa pinakahihintay na kasal ng dalawa.

* Hayden Kho at Vicki Belo


Isa sa mga naging laman ng balita at pinag-usapan sa iba't ibang socmed platform ang fairy-tale-like wedding nina Hayden Kho at Vicki Belo. Ang engrandeng kasal nila ay ginanap pa sa The American Church sa Paris kung saan higit na 250 guests ang dumalo.

Samantala, ang reception naman ng kanilang kasal ay ginanap sa Opera Nacional de Paris - Plais Garnier. Tinatayang nasa PHP10M din ang nagastos nila para sa kabuuan ng kanilang engrandeng kasal.

* Lloyd Birchmore at Bangs Garcia

Samantala, tatlong beses namang kinasal si Bangs Garcia sa Filipino-British boyfriend na si Lloyd Birchmore.


Unang nagpakasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang civil ceremony lamang na ginanap sa England noong 2016.

Matapos nito, nagkaroon naman ng private church wedding ang dalawa. Ang pangatlong beses naman na kasal ng dalawa ay ginanap sa Boracay.

* Dingdong Dantes at Marian Rivera

Ang celebrity couple naman na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay kinasal sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City.


Habang ang kanilang reception naman ay ginanap sa Mall of Asia Arean at sila ang kauna-unahang celebrity couple na ginanap ang reception ng kasal sa naturang lugar.

Samantala, ang kasal naman ng dalawa ay tinawag na 'Royal Wedding' noong 2014 kahit pa man hindi nabanggit ang perang nagastos ng dalawa sa kanilang kasal. Ngunit, ang wedding gown na suot suot ni Marian sa kaniyang kasal ay gawa ni Michael Cinco kung saan ito ay umabot ng Php2M.

* Rob Mananquil at Maxene Magalona


Ang actress na si Maxene Magalona ay kinasal naman sa longtime boyfriend na si Rob Mananquil, hindi lamang isang beses kung hindi dalawang beses. Unang dinaos ang kasal ng dalawa sa Manila. Ang pangalawang kasal naman nila ay ginanap sa Shangrila Boracay Resort and Spa.

* Anne Curtis at Erwan Heussaff

Ang kasal naman ng actress na si Anne Curtis at Erwan Huesaff ay sinasabing simple lamang.


Ang dalawa ay nagpakasal matapos ang mahigit na anim na taong magkarelasyon. Ito ay ginanap sa Queenstown, New Zealand, isa sa mga pinakamahal na wedding places sa buong mundo dahil na din sa napili nilang pagganapan ng kanilang kasal.

Ang dumalo naman sa kasal ng dalawa ay mga sikat na personalidad at mga artista.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Tignan Ang Ilan Sa Mga Pinaka-Engrandeng Kasal Ng Mga Paborito Niyong Artista
Tignan Ang Ilan Sa Mga Pinaka-Engrandeng Kasal Ng Mga Paborito Niyong Artista
Narito ang ilan sa pinakamaganda at pinaka-engrandeng kasal ng ilan sa ating mga paboritong showbiz personality:
https://1.bp.blogspot.com/-XmquH8MDmYY/XpQPpkWw5XI/AAAAAAACKIE/3dDHDKwMeE4aQvbWs53Oh334deauVg_oACLcBGAsYHQ/s640/artista%2Bwedding.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-XmquH8MDmYY/XpQPpkWw5XI/AAAAAAACKIE/3dDHDKwMeE4aQvbWs53Oh334deauVg_oACLcBGAsYHQ/s72-c/artista%2Bwedding.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/ilan-sa-mga-pinakaengrandeng-kasal-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/ilan-sa-mga-pinakaengrandeng-kasal-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy