Ang video na ipinost mismo ni Gretchen sa kanyang Instagram ay tungkol sa kung paano daw ba dapat ang quarantine ng mga mayayaman.
Ang pamilyang Barretto ay isa sa mga matunog at kilalang pamilya sa mundo ng showbiz. Kilala sila sa pagiging mayaman at may madaming artista sa pamilya.
Ilan sa mga sikat na Barretto stars ay sina Claudine, Julia at Gretchen Barretto.
Ilang buwan pa lang ang lumipas matapos ang umaatikabong awayan ng Barreto Sisters sa burol ng kanilang ama ay may kumakalat nanaman na trending video sa socmed mula kay Gretchen Barretto.
Si Gretchen ay kilala bilang isa sa mga Barretto Sisters. Bukod sa galing niya sa pagiging aktres at modelo ay mahusay din syang kumanta.
Kilala din sya sa pagkakaroon ng masungit na "aura" kaya naman kapag gumanap siyang kontrabida sa isang pelikula ay talagang binabati siya dahil ramdam ng mga manonood ang kanyang ganap.
Ipinakita niya sa dito ang karangyaan niya at ang madaming pagkain tulad ng mga prutas, cakes, tinapay at iba't-iba pang mga pastries.
Talaga namang nakakatakam ang mga ipinost ni Gretchen na mga pagkain kaya naman agad agad itong nagtrending sa socmed. Sinasabing ang mga pagkaing yon ay inihanda niya daw sa breakfast ng kanilang pamilya.
Ang naturang post nito ni Gretchen ay pumukaw at umani ng mga positibo at negatibong komento ng mga netizens.
Narito ang ilan sa mga komento,
"Mayabang talaga. Yung ibang artista di magkanda ugaga sa pagdarasal at pagtulong sa ibang tao, eto namang si Gretchen nakuha pang mag-post ng video kung paano mag quarantine ang sosyal, Nasaan ang konsensya mo?"
"Gosh! Daming bitter. Bigay din sa kanya ang iba. Let her enjoy her breakfast."
COMMENTS