COVID-19 Laban Sa Iba Pang Outbreaks: Alin Ang Mas Nakamamatay?

Isa lamang ang coronavirus disaease (COVID-19) sa listahan ng mga outbreaks na nangyari sa buong mundo sa mga nagdaang dekada.


Isa lamang ang coronavirus disaease (COVID-19) sa listahan ng mga outbreaks na nangyari sa buong mundo sa mga nagdaang dekada. Kasama na nga dito ang 1918 influenza, severe acute respiratory syndrome (SARS), at ang Ebola virus.

Ngunit, ang mga virus na nagdaan ilang dekada na ang nakakalipas ay nagawang malampasan ng sangkatauhan.

Hindi lamang nakadepende ang mga sakit na ito sa dami ng mga n4matay, kung hindi pati sa iba pang pangyayari, katulad na lamang kung paano ito makakayanan ng katawan ng isang tao, kung gaano kalinis ang isang tao sa kaniyang katawan, at kung gaano kabilis makagawa ng gamot o vaccine para sa mga sakit na ito.


Para ikaw ay malinawan rin sa iba pang outbreaks na nagdaan, ilang dekada na ang nakakalipas, narito ang kanilang pagkakaiba sa COVID-19, ang bagong virus na kinatatakutan ngayon ng buong mundo.

* 1918 Spanish Flu

Ang spanish flu na ito ay tinuturing na pinakanakakamatay na flu pandemic na kumalat sa buong mundo dahil sa dami ng taong naapektuhan at n4matay dahil dito. Ayon sa isang pediatric infectious disease specialist sa University of Minnesota na si Dr. Mark Schleiss,


"The 1918 pandemic stain of influenza was new and novel for most people under the age of 40 or 50, but that's where death rate really was high - that's different than the usual flu."

Noong panahon naman ito, karamihan din sa mga eksperto noon ay walang kaalam-alam na ang naturang virus na pala ang sanhi sa mga sunod-sunod na sakit na naranasan ng mga tao noon. Wala pa silang kahit na anong vaccines o antivirals na nagagawa noon na maaaring makapagpagaling sa naturang sakit. Kahit ang mga antibiotics ay wala din.


Halos lahat ng sundalo noon ay naapektuhan ng virus sa buong mundo at ang mga tao rin noon ay walang maayos na paglilinis sa katawan at naninirahan sa mga lugar kung saan sila ay dikit dikit.

Unang nadiskubre ang virus na ito noong Marso 1918 kung saan ito ay nakaapekto sa 500 milyon katao sa buong mundo, kasama ang mahigit na 50 milyon na n4matay. Ang spanish flu naman ay nakaapekto sa edad 20 hanggang 40. Ang mga taong naapektuhan naman ng naturang virus ay nakaramdam ng lagnat, pananakit sa katawan, pagtatae, at pagsusuka. Ang virus naman ay natapos lamang noong 1919.

* Seasonal Flu


Sa panahon naman na ito, marami na ring mga eksperto ang nakadiskubre ng antiviral na gamot at vaccines para hindi na ganoon kumalat ang sakit. Nakagawa rin sila ng residual immunity dahil nga sa mga sakit na kanilang naranasan noon. Ngunit, sa COVID-19 NAMAN, ito ay tila mas malala at nakakahawa kumpara sa seasonal flu.

Sa seasonal flu, ang mga tao ay kadalasang nakakaranas ng pag-ubo, sore throat, lagnat, at madalas na pagkapagod. Siyam na porsyento naman sa buong mundo ang naapektuhan ng naturang virus.


Umabot sa 219,000 hanggang 646,000 ang n4matay dahil dito. Madalas naman na naapektuhan ng naturang virus ang mga matatanda at ang mga taong mayroong mahihinang immune system. Mayroon ding nagawang antiviral medications para dito katulad ng Rapivab, Xofluza, Tamiflu, at Relenza. Marami ring mga vaccines ang mayroon para hindi na mas lumala at makahawa pa ang naturang sakit.

* Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS)

Ang SARS naman ay nagmula rin sa China, katulad ng COVID-19. Ang isang tao naman ay maaaring magkaroon ng SARS kapag sila ay nagkaroon ng close contact mula sa tao na mayroon na nito. Ayon kay Schleiss,


"SARS did not have fitness to persist in the human population".

Ito rin marahil ang pagkakaiba nito sa COVID-19, kung saan ito ay mabilis na kumakalat at napupunta sa katawan ng tao.

Sa SARS, ang mga tao ay kadalasang makakaramdam ng pag-ubo, pagkalagnat, ilang respiratory symptoms, at malaisa. Una itong nagmula sa Guangdong province sa China noong Nobyembre 2002. Tinatayang nasa 8,098 rin ang nagkaroon nito sa 29 na bansa, at mayroong nasa 774 na katao ang n4matay. Kadalasan namang naapektuhan nito edad 60 pataas.


Wala namang treatments na nagawa para dito, kahit mayroon namang ilang na antiviral at sterois na umepektibo sa ilang pasyente at gumaling mula dito. Ang vaccine naman ay nagawa noong malapit na rin mayari ang naturang virus. Ito ay nagtapos noong Hulyo 2013.

* (H1N1) Flu Pandemic

Noong 2009, ang pandemic naman na ito ang nagbigay ng takot at pangamba sa buong mundo dahil wala rin itong kahit anong vaccine at ito rin ay mabilis na kumakalat, katulad ng COVID-19.


Sa pandemic naman na ito, ang mga tao ay kadalasang makakaranas ng pag-ubo, pagkalagnat, panlalamig, at pananakit ng katawan. Nagsimula ito noong January 2009 sa Mexico at nagtapos noong Agosto 2010.

Tinatayang nasa 24 na porsyento ang naapektuhan nito sa buong mundo, kasama na ang 284,000 na n4matay mula dito. Kadalasang naaapektuhan ng naturang virus ay ang mga bata. Mayroon namang gamot na nagawa dito katulad ng zanamivir at oseltamivir at ang vaccine din ay nagawa noong Disyembre 2009.

* Ebola Virus

Ang Ebola naman ay isa rin sa mga kinatatakutan at nakakamatay na virus sa buong mundo dahil 50 porsyento sa mga taong naapektuhan nito ang namatay dahil dito.


Ang mga sintomas naman nito ay nakatulong sa mga health officials upang malaman kung sino ang mga tao na nagkaroon ng close contact para sa mga taong apektado mula dito. Kaya mabilis rin ang mga itong na-isolate upang hindi na mas kumalat pa lalo ang virus.

Sa Ebola, kadalasan mararamdaman ng mga tao ang lagnat, pag-ubo, panghihina, pananakit ng katawan, pagtatae, at pagsusuka. Una itong kumalat sa buong mundo noong Marso 2014.


Ito ay nagsimula noong Disyembre 2013 sa Guinea at nagtapos lamang noong Marso 2016. Tinatayang nasa 28,656 na katao ang nagkaroon nito sa 10 bansa at nasa 11,323 ang n4matay mula dito. Kadalasang apektado nito ay ang mga bata.

Wala rin namang gamot o vaccines ang nagawa para malabanan ang naturang virus. Tanging binibigyan lamang ang mga pasyente ng oral rehydration at IV fluids para sa supportive care.

* Coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Ang COVID-19 naman ay ang bagong virus na kumakalat ngayon sa buong mundo. Ang naturang virus naman ay nakaapekto na sa maraming tao sa buong mundo kahit pa man mayroon lamang ilang sintomas o kahit sila ay asymptomatic. Ani Johnson,


"The death rate is really something we just have to take with a grain of salt until we have enough information."

Sa COVID-19 naman, kadalasang mararamdaman ng mga tao ang ilang sintomas katulad ng pag-ubo, lagnat, at hirap sa paghinga. Ito ay nagsimula noong Disyembre 2019 sa Wuhan, China.

Sa datos noong Marso 17, 2020, tinatayang nasa 127,000 na ang naapektuhan ng virus, at nasa 4,700 na ang namatay mula dito. Kadalasan namang apektado ng virus ay ang mga matatanda edad 65 pataas.

Wala namang kahit anong gamot o vaccines pa ang nagagawa mula dito. Binibigyan naman nila ang mga pasyente ng mga pain relievers upang mapaginhawa ang mga sintomas na nararamdaman ng mga pasyente at antibiotics para sa secondary bacterial pnuemonia.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,225,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,356,Tips,60,Trending,376,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: COVID-19 Laban Sa Iba Pang Outbreaks: Alin Ang Mas Nakamamatay?
COVID-19 Laban Sa Iba Pang Outbreaks: Alin Ang Mas Nakamamatay?
Isa lamang ang coronavirus disaease (COVID-19) sa listahan ng mga outbreaks na nangyari sa buong mundo sa mga nagdaang dekada.
https://1.bp.blogspot.com/-kwjhN7smhvI/XoTf3jbf3hI/AAAAAAACIt8/wJ5aMTa3jNI4znDCpBxFUKH2zZhu2NHiwCLcBGAsYHQ/s640/age%2Bof%2Bpandemic.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-kwjhN7smhvI/XoTf3jbf3hI/AAAAAAACIt8/wJ5aMTa3jNI4znDCpBxFUKH2zZhu2NHiwCLcBGAsYHQ/s72-c/age%2Bof%2Bpandemic.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/covid-19-laban-sa-iba-pang-outbreaks.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/covid-19-laban-sa-iba-pang-outbreaks.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy