Curious ba kayo kung ano pa ang pinagkakaabalahan niya bukod sa pag-arte sa telebisyon?
Si Rodel Luis Nacianceno o mas kilala bilang si Coco Martin ay isa sa mga sikat artista sa ngayon sa mundo ng showbiz. Hindi lang siya aktor, isa din syang modelo at iniidolo ng maraming tao dahil sa taglay nyang kagwapuhan at kaastigan ng dating lalo na sa kanyang pormahan.
Sa ngayon ay abala siya sa teleseryeng "Ang Probinsyano" bilang si "Cardo Dalisay" na gumaganap bilang isa sa mga pangunahing tauhan sa nasabing teleserye. Umabot na nga ng taon ang itinagal ng teleseryeng ito na kung saan ay madami pa din ang nanonood hanggang sa ngayon.
Ang "Ang Probinsyano" ay maaaring mapanood sa Kapamilya Channel.
Ngunit, curious ba kayo kung ano pa ang pinagkakaabalahan niya bukod sa pag-arte sa telebisyon?
Kung hindi niyo naitatanong, ay bukod sa pag-aartista ay mayroon pala siyang lupain na may mga pananim na mga gulay.
Ang nasabing lupain ni Coco ay may mga pananim na kamatis, kalabasa, talong, okra, ampalaya, sili, mustasa, labanos, pechay, lettuce, sibuyas at carrots. Marami sa kanyang fans ang bumilib at mas lalo pang humanga sa kanya dahil halos makumpleto niya na ang lahat ng gulay sa kantang "Bahay Kubo".
Sinasabing si Coco Martin daw mismo ang nagtanim ng mga gulay na ito at tuwan tuwa siya kapag nakikita niya na lumalago ang kanyang mga pananim na kung saan ay siya din mismo ang umaani ng mga bunga nito.
Ang mga larawan na ito mula sa kanyang taniman ay ibinahagi niya sa kanyang IG Account.
Aniya, kaya nya naisip ang ganitong libangan ay upang magbigay ng inspirasyon sa karamihan na mapanatili ang pagiging malusog ng ating katawan. Sinabi niya din na gusto niyang matulungan ang Inang Kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim.
Sa ngayon ay trending ang post niya na ito sa socmed. Isa ka talagang LODI Coco, dapat ay pamarisan ka din ng iba pang mamamayan na maging healthy at tumulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim.
COMMENTS