May mga espekulasyon hinggil sa pagsasama ng dalawa daw sa iisang bahay.
Ang tambalang Coco Martin at Julia Montes ay isa din sa matunog na love team ngayon sa mundo ng showbiz. Hindi lang bilang love team sa mga teleserye at pelikula kundi sa totoong buhay.
Si Coco ay madaming napagbidahan na pelikula at ngayon ay gumaganap bilang Kardo sa "Ang Probinsyano" at samantalang si Julia naman ngayon ay nagbabalik showbiz at matunog din sa socmed na makakatambal niya sa Coco sa "Ang Probinsyano".
Sinabi ni Coco na talagang gusto niyang makatambal ang aktres sa "Ang Probinsyano" dahil matagal na din daw na panahon na huli silang nagtambal sa isang palabas.
Ang tambalang Coco at Julia ay naging matunog sa socmed dahil ipinagbuntis di umano ni Julia ang anak nila ni Coco Martin.
Matagal na nawala sa showbiz si Julia at sinasabing minabuting sa ibang bansa nya ipagdalang tao at ipanganak ang rumored baby nila ni Coco. Hanggang sa ngayon ay wala pa ding konkretong statement ang dalawa ukol dito.
Kaya narito ang mga espekulasyon ng karamihan hinggil sa pagsasama ng dalawa daw sa iisang bahay.
Kung makikita ninyo sa larawan ay magkaparehas daw ang dekorasyon ng pader na kung saan doon nakatayo si Julia at nagbibigay ng mensahe sa ating mga kababayan hinggil sa COVID-19.
Ito daw ay kaparehas sa pader na kung saan ay nag house raid sila Kris Aquino sa bahay ng aktor na si Coco Martin.
Isa pa dyang ang pagsusuot daw ng couple shirt ng dalawa na may temang mickey mouse ang design. Makikita ninyo sa larawan na pawang magkaparehas nga ng suot na black tshirt ang dalawang ito.
Kaya naman naging trending ang usapin na ito sa socmed at madami sa ating netizens ang nagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa issue na ito nila Coco at Julia. May mga positibo, may mga naiinis at mayroon ding negatibong komento ang iba.
Ngunit, kung ano pa man ang mga komento o reaksyon na yan ay wala tayong karapatang manghusga ng ating kapwa base lamang sa mga haka haka at walang sapat na katotohanan.
COMMENTS