Tunay ngang napaka bilis ng panahon kung saan ang dating bata na ito ay ganap nang dalaga na punong puno ng talento.
Sino nga ba ang makakalimot sa napaka cute at lovely na anak ni Mariamar sa Philippine adaptation nito noong taong 2007? Naaalala niyo pa ba siya?
Siya si Franchesca "Chesca" Salcedo sa totoong buhay. Ang dating bata noon ay ganap nang dalaga ngayon na punong puno ng talento at galing sa pag-arte.
Marami na din naging proyekto sa telebisyon ang dalaga kung saan dito niya naipamalas ang husay at galing sa pag-arte.
Isa na dito ang Philippine adaptation ng palabas na "Rosalinda", noong taong 2009. Dito siya ay gumanap sa character na batang Fedra.
Naging kabilang din si Chesca sa palabas na "Trudis Liit" kung saan siya naman ay gumanap sa character na Sugar Ferrer, noong taong 2010. Sumunod na ginampanan naman niya ang character na batang binayaan sa "Amaya", noong taong 2013.
Sa TV5 network naman ay naging bahagi din si Chesca sa palabas na "0bsession", dito naging kasama niya ang ilan sa mga sikat na artista katulad na lamang nila Bianca King at Neri Naig.
Sa taong 2015 naman ay naging bahagi din ito ng sikat na local adaption ng palabas na Baker King at nakasama sina Mark Neumann, Akihiro Blanco, Inah Estrada at Shaira Mae.
At siya huling napanood sa palabas na "Kambal Karibal" bilang Norilyn. Kung saan lalong nakikita ang husay nito sa pagganap kasama sina Kyline Alcantara at Bianca Umali.
Tunay ngang napaka bilis ng panahon kung saan ang dating bata na ito ay ganap nang dalaga na punong puno ng talento.
Sa ganda ng tinatakbo ng career nito sa Philippine entertainment industry ay hindi malayong mabilis nitong maabot ang kanyang mga pangarap.
Maaari niyong sundan ang kanyang mga socmed account sa mga sunusunod upang maging mas updated.: IG @chescasalcedo.
Tulad Sa ngayon nahihilig din ang dalaga sa sikat na mobile app na Tiktok, maari niyong siya sundan sa kanyang account @chescasalcedo na at siguradong kagigiliwan niyo ang kanyang mga videos.
COMMENTS