Isa ang Tiktok app sa kinahuhumalingan ng marami sa atin, lalo na ang mga kabataan.
Isa ang Tiktok app sa kinahuhumalingan ng marami sa atin, lalo na ang mga kabataan dahil na rin siguro sa nakakaaliw na mga sound effects at video graphics na mayroon ito.
Ang Tiktok app rin ang nagsilbing platform para sa maraming tao na mailabas ang kanilang mga talento, mapasayaw man ito o mapakanta, kahit sa sandaling segundo lamang.
Kadalasan rin, ang mga 'challenge' na nauuso ngayon ay dahil na rin sa naturang app na ito.
Dahil nauuso na rin ito, nagbigay naman ng babala ang isang netizen sa publiko na hangga't maaari ay huwag na huwag gagawin ang naturang challenge.
Saad ng netizen na si Ann Gabrielle Sampedro Lasam, napupunta umano ang mga Tiktok videos na ginagawa ng mga tao sa database o servers ng app, kabila na dito ang mga unfiltered at raw videos na kanilang ginagawa.
Ayon pa sa netizen, ang paggawa ng invisible naked challenge ay isa sa mga hindi katanggap-tanggap na challenge dahil maaaring ito ay napapanood na pala ng ibang tao. Saad pa niya, mas mapanganib rin ang challenge na ito, lalo pa kung ang gagawa nito ay mga bata.
Pinayuhan din ni Lasam ang mga taong gumagamit at gagamit pa lamang ng naturang app na dapat muna nilang basahin ang agreement and policy na mayroon ang Tiktok.
Isa sa mga agreement na nakalagay doon na pinapahintulutan ni user ang Tiktok na ito na mismo ang nagmamay-ari ng lahat ng mga videos na kanilang iu-upload sa app, edited man ito o hindi.
Ang agreement naman na ito ay nangangahulugan lamang na walang habol ang kahit sinong tao kung may posibilidad na kumalat ang kanilang video clips.
Saad ni Lasam, kailangan pa rin natin mag-ingat sa bawat videos na ating iu-upload, mapa-Tiktok man ito o kahit sa iba pang mga socmed platforms.
COMMENTS