Isang babae ang nakatanggap ng batikos mula sa mga netizens matapos mapag-alaman na ang ayudang natanggap nito ay ginamit lamang niya upang magpa-rebond.
Ang ating pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagbigay ng tulong para sa mga Pilipino na lubos na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa.
Sa ngayon, ang mga relief goods at cash assistance ay patuloy pa din ipinapamigay sa bawat Pilipino. Ngunit, nakakalungkot lamang isipin dahil ang iba sa ating mga mahihirap na kababayan at siyang lubos na nangangailangan ay hindi pa nabibigyan ng ayuda.
Samatala, ang iba namang nabigyan ng ayuda, imbis na gamitin ang pera pambili ng kanilang pagkain, ay madalas ay ginagamit pa nila ito para sa kanilang mga bisyo at pansariling interes.
Nitong nakakaraang linggo, sinimulan na ng DSWD ang mamahagi ng nasa Php6,500 hanggang Php8,000 na ayuda ng gobyerno para sa mga mahihirap at nangangailangan.
Ilan sa mga nakatanggap ay talagang lubos na nagpapasalamat sa kanilang natanggap dahil mayroon na silang pera pang gastos at pambili ng kanilang pagkain. Samantala, ang iba naman ay hindi pa masaya sa kanilang natanggap at panay pa din ang reklamo na hindi pa umano sapat sa kanila ang ayudang natanggap.
Ngunit, isang babae naman ang nakatanggap ng batikos mula sa mga netizens matapos mapag-alaman na ang ayudang natanggap nito ay ginamit lamang niya upang magpa-rebond.
Ang nasabing babae naman ay nakatira sa Bocause Bulacan. Ayon sa post ni Counselor Rico Navarro, hinuli ng mga tanod ang babae dahil naabutan nila itong lumabas galing salon bandang 9:30 ng gabi kung saan ito ay lumagpas na sa itinakdang curfew sa naturang lugar.
Saad pa ng konsehal, inamin sa kanila ng mismong babae na ang pera na ginamit nito sa pagpapa-rebond ng kaniyang buhok ay ang ayudang natanggap niya mula sa DSWD na nagkakahalaga ng Php6,500.
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol dito. Ilan sa mga netizens ang nagalit sa babae dahil imbis na ipambili ito ng mga pangunahing pangangailangan, mas inuna pa nito ang pansariling kagustuhan habang ang iba sa ating mga kababayan ay kapos na kapos at walang makain.
COMMENTS