Makikita na mayroong isang matanda na mukhang gutom na gutom ang nakasunod sa kaniya.
Ang pagiging mapagbigay at maawain ay likas na sa kilos ng mga tao, partikular na sa ating mga Pilipino.
Hindi na din bago sa atin ang tulungan ang mga tao na nangangailangan ng ating tulong partikular na ang mga matatandang namamalimos na wala na ring mahanapan ng makakatulong sa kanila at wala ding makain.
Ang pagiging matulungin sa mga taong nangangailangan ng tulong sa kahit anong paraan ay isa na rin sa ating Kulturang Pilipino. Kahit na ito man ay pagkain o pinansyal o kahit ang ating trabaho, oras, o kaya naman ang ating mga sarili.
Tunay nga na mabait at matulungin ang mga Pilipino dahil tayo ay laging bukas sa pagtulong sa ating kapwa sa oras ng kanilang pangangailangan, kalamidad, pagsubok, at iba pa.
Yan ang nakuhanan ng video ng isang netizen na si Florendo Bonavente Bern. Makikita sa video ang pagtulong ng babaeng ito sa isang matandang pulubi at nilagyan niya ng caption ang kaniyang socmed post na nagsasabi na,
"Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay nalang sa mas nangangaylangan!.."
Makikita sa clip na ang babae na nakasuot ng salamin at mayroong Pink na Tshirt at may bitbit na plastic habang siya ay naglalakad. Malaman na ito ay mga pagkain at kakabili lamang.
Makikita din na mayroong isang matanda na mukhang gutom na gutom ang nakasunod sa kaniya.
Makalipas ang ilang segundo, napansin ng babae na ang matanda ay sumusunod sa kaniyang paglalakad. Nang makita ang pangangailangan ng matanda, kaagad niya itong tinulungan ng walang pag-aalinlangan.
Ang babae ay madaling pumunta sa gilid at binigay ang inumin at pagkain na kaniyang binili sa matanda.
Makikita din sa video na nilapitan din ng babae ang matanda na kung saan siya mismo ang nagbigay ng pagkain at inumin dito at nakipagkwentuhan din ng ilang minuto.
Hindi nakitaan nang anumang negatibong reaksyon o pandidiri sa mukha ng babae at saya lamang ang makikita sa kaniyang mukha dahil siya ay nakatulong sa kapwa niya na nangangailangan.
Ang ginawa ng babae ay nagpapatunay na hindi pa din nawawala ang bayanihan sa bansa. Kahit na hindi ito ang bayanihan na ating kinagisnan na nagbubuhat ng bahay, sa henerasyon natin ngayon, ang pagiging bukas sa pagbibigay at pagtulong ay ang bayanihan na kailangan ng bansa natin.
COMMENTS