Naging super close sina Ion Perez at Vice Ganda na naging kapansin pansin sa kanilang mga manonood.
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Annabelle Rama? Ang batikang artista at talent manager na ito ay madalas nating naririnig na may mga prangka at totohanang pananalita sa media lalo na kung tungkol sa kaniyang mga anak.
Pero si Annabelle Rama o mas tinatawag na Tita Annabelle ay hindi lang naman sa mga anak niya may komento kundi pati na rin kay Vice Ganda.
Matatandaan na bukas na bukas sa publiko ang relasyon ni Vice Ganda at kaniyang boyfriend na si Ion Perez, na kasamahan din niya sa noon time show na 'It's Showtime'.
Si Ion Perez ay naging Kuya Escort sa nasabing noon time show at doon nagsimula nag tuksuhan sa pagitan nilang dalawa.
Naging super close sina Ion Perez at Vice Ganda na naging kapansin pansin sa kanilang mga manonood. Dahil dito, naging bulung bulungan ang relasyon na namamagitan sa dalawa. Oktubre 2018 naman nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Nito lamang nakaraan ay naging guest ni Vice Ganda si Tita Annabelle sa kaniyang Talk Show na 'Gandang Gabi Vice'. Game na game namang sumagot si Tita Annabelle sa segment na 'Sagot o Lagot'.
Naging usapan nila ang relasyon ng anak niyang si Ruffa sa dati nitong asawa na si Yilmaz Bektas. Inamin ni Tita Annabelle na gusto niyang bumuti ang relasyon ng dalawa.
Hindi naman napigilang magkomento ni Vice Ganda tungkol sa pag-ibig. Sinabi ni Vice na ang pag-ibig ay hindi dapat iniaayon sa edad at sa estado sa buhay. Prangka namang sumagot si Tita Annabelle, "Tandaan mo kapag bata ang kinakasama mo, iiwan ka rin niyan!"
Nagulat naman si Vice sa prangkang sagot ni Tita Annabelle sa kaniya ngunit ginawa niya na lamang itong biro at sumigaw ng napakalakas.
"Waaaaaaahhhhh! Hay naku Tita! Wala to…Wala to…whoooo tissue nga, ang init!"
Nagtawanan naman ang audience sa ginawa ni Vice pero agad niyang pinutol ang usapan at muling ibinalik ng topic kay Ruffa.
COMMENTS