Napansin ni Angel Locsin sa isang condominium building sa Taguig City na may ilan na nagkukumpulan sa pool kahit nasa ilalim pa ng ECQ.
Dahil sa pandemic na C0VID-I9, ang awtoridad ay mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas may kinalaman sa pagkontrol ng nakahahawang v1rus na ito. Kasama na diyan ang Social Distancing.
Batay sa rules, mahalaga na magkaroon ng isang metrong pagitan sa dalawang tao upang hindi nito malanghap o makuha ang droplets na maaaring may c0r0nav1rus. Sa paggawa nito, mababawasan ang paglaganap ng v1rus at mas mapapabilis ang pagsugpo rito.
Gayunpaman, napansin ni Angel Locsin na may mga pasaway pa din na hindi sumusunod sa kautusang ito. Aniya, sa isang condominium building sa Taguig City, may ilan na nagkukumpulan sa pool kahit nasa ilalim pa ng ECQ.
Dahil dito, hindi na napigilan ni Angel na magbulalas ng saloobin.
Aniya, "Rules are rules. Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool porket may common area sa high end condo ninyo."
"Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ang v1rus. You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium."
May isang netizen naman ang sumagot kay Angel at nagsabi na malawak naman ang pool at na anim na tao lang ang nandoon. Tinawag din niya na "Kiddo" si Angel.
Agad namang bumwelta si Angel. Aniya, "Dont call me kiddo. FYI, DROPLETS. And duh, hindi naman sila tumambay sa loob ng pool lang."
Sumagot namang netizen na ang pool side ay kasinlawak daw ng Araneta stadium at hindi naman ito malaking issue. Mas mainam daw pagtuunan ng pansin ang mga lugar na mas nangangailangan ng social distancing.
Idinagdag pa niya na halos '20 miles' ng layo ng mga ito sa isa't isa. Wala naman daw 'harm' doon.
Sumagot naman si Angel sa sinabi niyang 20 miles na distance. Anuya, imposible ito at malamang na nasa Alabang na sila nun kung ganon nga. Marami ang nag-like sa comment niyang iyon.
Madami naman ang napahanga sa tapang at lakas ng loob ni Angel sa pagsunod at pagsuporta sa social distancing. Ikaw, anong masasabi mo?
COMMENTS