Angel Locsin, May Inamin Tungkol Sa Pagkatao Ng Tunay Niyang Ina

Hindi din mapigilan ng ilan sa mga netizens ang magtaka at mapatanong kung ano nga ba ang uri ng relasyon ang actress na mayroon sa kaniyang ina.


Ang buhay ng pagiging artista ay hindi madali. Maliban sa kanilang busy schedules at mga proyektong kailangan habulin, may pagkakataon na nawawalan na sila ng oras para makipagbonding sa kanilang pamilya.

Dagdag pa dito, minsan din ay kumakalat ang ilan sa kanilang mga sikreto at pribadong impormasyon tungkol sa kanilang buhay na nagiging sanhi ng pagharap nila sa isyu at mga kontrobersiya. Ngunit, ilan naman sa mga artista ay napapanatili pa din ang seguridad ng ilang mga importanteng impormasyon tungkol sa kanilang buhay sa kabila ng kasikatan na tinatamasa.

Hindi maitatanggi na isa ngayon sa pinakasikat at hinahangaang actress sa mundo ng showbiz ay si Angel Locsin. Maliban kasi sa pagiging magaling nitong actress, si Angel din ay kilala sa pagiging matulungin at mapagmalasakit sa kaniyang kapwa na handang magbigay ng tulong sa abot ng kaniyang makakaya.


Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang buhay ni Angel ay tila isang open book para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

Sa katunayan nga ay open din ang actress sa ilang mga impormasyon tungkol sa kaniyang buhay, mula sa simula pa lamang ng kaniyang karera sa showbiz, hanggang sa pagiging successful na niya at maging ang kaniyang love life ay hindi naman niya itinatago sa publiko.



Alam din ng karamihan sa atin kung gaano kalapit si Angel sa kaniyang ama. Sa katunayan nga, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pumasok ng actress sa industriya ng showbiz.

Madalas niya ding binabahagi sa kaniyang socmed accounts kung gaano niya kamahal at kaimportante sa kaniyang buhay ang kaniyang ama.


Marami sa atin ang mas lalong humahanga pa sa actress dahil sa ganda ng relasyon na mayroon ito sa kaniyang ama. Ngunit, hindi din mapigilan ng ilan sa mga netizens ang magtaka at mapatanong kung ano nga ba ang uri ng relasyon ang actress na mayroon sa kaniyang ina.

Ang katanungan namang ito ng marami ay sinagot na ng actress noon pa man. Sa naging exclusive article noong 2017 ng actress na inilabas ng PEP.ph, ibinahagi nito kung gaano kabuting tao at kamahal sila ng kaniyang ina.


Inamin din ng actress na naghiwalay na ang kaniyang mga magulang, ngunit kahit pa man hiwalay na ang mga ito at madalang na lamang niyang nakakasama ang kaniyang ina, kailanman ay hindi nabago ang pakikitungo at relasyon na mayroon siya dito.

"Ang hindi namin itinatago is the fact na matagal na silang hiwalay ng Dad ko, Nagdadalaga pa lang ako, talagang wala na sila sa isa’t isa," saad ng aktres.

"Naintindihan naman namin ‘yon dahil ‘yon naman ang gusto nila. Iyon na ang napagkasunduan nila at nirerespeto namin ‘yon."


Tanggap at nirerespeto naman ni Angel ang desisyon na ito ng kanyang mga magulang. Kahit pa man din napiling maghiwalay ng kaniyang mga magulang, hindi pa din ito naging hadlang para iparamdam sa kanilang magkakapatid na buo pa din silang pamilya na siyang nakasuporta lamang sa isa't isa sa tuwing mayroong problema o achievements na nagagawa ang isa.

Nabanggit din ng actress na kahit pa man hindi niya madalas nakakasama ang kaniyang ina na si Mommy Emma Colmenares, ang kaniyang pagmamahal at ganda ng relasyon na mayroon dito ay hindi nagbabago.

“Oo, walang trabaho ang Mama ko at sinusuportahan ko siya. Dahil ako na rin ang may gusto na huwag na rin siyang magtrabaho.”


“Although mas close ako sa tatay ko at siya ang lagi kong nakakasama at sa akin siya naka-tira, hindi ibig sabihin no’n na pinababayaan ko na ang Mama ko.

“Mahal ko ang taong nagbigay sa akin ng buhay dito sa mundo.”

Sa kabila ng pagiging open book ng buhay ng actress para sa marami sa atin, nais pa din ni Angel na respetuhin sana ang ilang pribadong impormasyon tungkol sa actress, lalo na kung ang usapin ay tungkol sa kaniyang mga magulang.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Angel Locsin, May Inamin Tungkol Sa Pagkatao Ng Tunay Niyang Ina
Angel Locsin, May Inamin Tungkol Sa Pagkatao Ng Tunay Niyang Ina
Hindi din mapigilan ng ilan sa mga netizens ang magtaka at mapatanong kung ano nga ba ang uri ng relasyon ang actress na mayroon sa kaniyang ina.
https://1.bp.blogspot.com/-tArLm1d6i_U/XqoxhSVDSII/AAAAAAACMXY/qMtbwBKYNSUgZRucC636VyrmV6GnAoPjQCLcBGAsYHQ/s640/locsin%2Bmommy.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-tArLm1d6i_U/XqoxhSVDSII/AAAAAAACMXY/qMtbwBKYNSUgZRucC636VyrmV6GnAoPjQCLcBGAsYHQ/s72-c/locsin%2Bmommy.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/angel-locsin-may-inamin-tungkol-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/angel-locsin-may-inamin-tungkol-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy