Nilasing Niya Ang Pasaway Na Anak Para Turuan Ng Leksyon At Ito Ang Nangyari

Binahagi ni Reiko, isang babaeng hapon, ang kaniyang karanasan kung paano siya dinisiplina at pinaalalahanan ng kaniyang tatay sa kaniyang pag-iinom.



Karamihan sa atin dumaan sa estado ng buhay kung saan tayo isang masayang kabataan. Wala tayong iniitindi, madalas ang ating gimik kasama ang barkada, at walang pakialam sa ating magulang. Hindi na rin siguro bago sa ating kaalaman na karamiha ng kabataan ngayon ay marunong nang uminom ng alak sa murang edad. 

Hindi na alam ng mga magulang kung papaano sila didispilinahin o sasawayin sa kanilang hindi magandang bisyo. Pero para sa isang tatay na Japanese na ito, iba ang kaniyang paraan ng pagdidisiplina.

Binahagi ni Reiko, isang babaeng hapon, ang kaniyang karanasan kung paano siya dinisiplina at pinaalalahanan ng kaniyang tatay sa kaniyang pag-iinom.


Ayon kay Reiko, mahilig raw siya noon gumala kasama ang kaniyang mga barkada noong bata pa lamang siya. Madalas raw silang gumawa ng kalokohan noon. Dumating rin sa puntong natuto siyang uminom na siya namang ikinabahala ng kaniyang mga magulang ngunit wala rin silang magawa. 

Isang araw raw, nasorpresa raw siya nang yayain siya ng kaniyang tatay na uminom sa kahit saang lugar niya gusto. Bagamaít nagulat dahil makakasama niya ang kaniyang tatay sa pag-inom, pumayag na lamang siya para naman maranasan niya.

Nang makalabas na sila, sinabihan siya ng kaniyang tatay na maaari siyang uminom hanggang hindi na niya kaya. Sinigurado niya ring makakauwi sila ng ligtas. Sa utak ni Reiko, naisip niyang baka raw magalit ang kaniyang ina kung siyaíy umuwi ng lasing ngunit dahil kasama niya ang kaniyang tatay, malakas ang kaniyang loob.



Una silang pumunta sa isang restaurant at inakala ng mga tao na siya ang bagong girlfriend ng kaniyang tatay. Ganito rin ang naging eksena ng pumunta sila sa isang night club kung saan naka ilang tagay lang siya.

Sunod nilang pinuntahan ang isang sushi bar kung saan mas inengganyo pa siya ng kaniyang tatay na kumain at uminom. Sa sunod nilang pinuntahan, wala na raw siyang maalala. Hindi na niya maalala ang kaniyang mga ininom at kung ano ang pinagusapan nila ng kaniyang tatay.

Pumunta raw sila sa isang tindahan pagkatapos ngunt wala siyang maalala. Matapos nito ay umuwi na sila at medyo nagkamalay, humingi siya ng paumanhin sa kaniyang tatay dahil nalasing siya. Hindi naman ito pinansin ng kaniyang itay at sinabing matulog na lamang.



Kinabukasan, hindi naging maganda ang gising niya dahil maliban sa kaniyang hangover, nahihiya siya sa kaniyang tatay dahil sa paglalasing niya sa harapan nito. Ngunit nang siyaíy bumaba para kumain ng agahan, umalis na ang kaniyang tatay ngunit may iniwan itong sulat para sa kaniya. 


Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Reiko sa kaniyang tatay dahil sa kaniyang itinuro. Sa kasalukuyan, hindi na ganoon kalakas ang kaniyang tatay upang dalhin pa siya sa mga bar at makipaginuman bagkus ay naglilinis na lamang at nagtatanim ito sa kanilang hardin.

Para kay Reiko, ang kaniyang ama ang dahilan kung sino siya ngayon.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Nilasing Niya Ang Pasaway Na Anak Para Turuan Ng Leksyon At Ito Ang Nangyari
Nilasing Niya Ang Pasaway Na Anak Para Turuan Ng Leksyon At Ito Ang Nangyari
Binahagi ni Reiko, isang babaeng hapon, ang kaniyang karanasan kung paano siya dinisiplina at pinaalalahanan ng kaniyang tatay sa kaniyang pag-iinom.
https://1.bp.blogspot.com/-5J-yJuQIlv8/XqAFPNJCYII/AAAAAAACLaY/bfKxWwMQeLoS0GhDRR0AAcGlqoUBsbWeACLcBGAsYHQ/s640/father%2Blesson%2Bkid.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-5J-yJuQIlv8/XqAFPNJCYII/AAAAAAACLaY/bfKxWwMQeLoS0GhDRR0AAcGlqoUBsbWeACLcBGAsYHQ/s72-c/father%2Blesson%2Bkid.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/ama-nilasing-ang-pasaway-na-anak.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/ama-nilasing-ang-pasaway-na-anak.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy