Ngayong malalaki na din ang kanyang mga anakshies ay siguro panahon na ni Momshie Karla na magbloom at umibig.
Tila napakadami ng kasabihan tungkol sa pag-ibig o love sa Ingles. Madami sa atin lalo na sa mga socmed ang mga nagkakalat na Hugot Post at Hugot Videos.
Pagdating daw sa pag-ibig ay talagang napakadaming dapat na isaalang-alang. Bukod sa looks at attitude ay dapat din bang isaalang-alang ang edad? Totoo bang "Age Doesn't Matter" pagdating sa pagmamahal?
Isa sa mga magpapatunay na hindi yan totoo at hindi dapat gawing basehan ng pag-ibig ay ang ating very own, Momshie Karla Estrada.
Si Momshie Karla ay isang kilalang aktres, singer at host sa Kapamilya Channel. Madami na din siyang ginanapan na mga pelikula at sa ngayon ay mapapanood natin siya sa "Magandang Buhay" na palabas tuwing umaga sa Kapamilya Channel.
Kasama niya dito sila Jolina Magdangal at Melai Francisco na kung saan ay tila pamilya na talaga ang turing nilang tatlo sa isa't-isa. Ang Magandang Buhay ay tumatalakay sa mga buhay ng isang artista. Ngunit ngayon ay love life naman ni Momshie Karla ang ating pag-usapan.
Alam naman nating lahat na hindi naging maganda ang love life ni Momshie Karla noon. Hindi din naman lingid sa lahat na siya ang nanay ng Teen King na si Daniel Padilla.
Ngayong malalaki na din ang kanyang mga anakshies ay siguro panahon na ni Momshie Karla na magbloom at umibig.
Base sa mga posts ni Karla Estrada sa socmed ay nagpunta siya sa Coron Palawan kasama ang kanyang mga friends at rumored boyfriend daw.
Hindi isang showbiz personality ang sinasabing rumored boyfriend ni Momshie ngunit base sa mga litrato ay makikita natin ang closeness ng dalawa sa isa't-isa at hindi din naman madeny ng ating mga netizens ang pagiging matipuno at pagiging macho gwapito ng lalaki.
Base din sa mga pictures ay mas bata ito kaysa kay Momshie Karla.
Sa ngayon ay usapan na ito sa social media at maging ang mga kaibigang artista ni Momshie Karla ay nagcocomments ng pagbati sa ating Momshie.
COMMENTS