2 Malditang Empleyado, Pinagtawanan Ang Indianang Ito Nang Mag-Apply Sa Call Center, Di Nila Alam Na Bigtime Pala Ito

Ang pagsasalita ng Ingles ay hindi batayan para kutyain ang pagkatao ng isa.


Mahirap naman talagang magsalita ng Ingles lalo na kung hindi ito laging napa-practice. Kaya naman napapabilib din tayo sa mga call center agent dahil talagang mahusay sila sa pagsasalita ng wikang ito. Gayunpaman, ang pagsasalita ng Ingles ay hindi batayan para kutyain ang pagkatao ng isa.

Tignan ang halimbawa ni Carla. Pagkatapos mag-kolehiyo, agad na nakapasok si Carla sa isang Call Center. Na-aasign siya recruitement team na nag-i-interview sa mga nag-aaply na ahente.

Proud na proud naman si Carla dahil sa kaniyang bagong trabaho. Hindi biro ang kasanayan sa pag-i-ingles at ipinagbabawal din sa kanilang kumpanya ang magsalita ng tagalog lalo na kapag interview. At sa tuwing tatawaging "Ma'am" si Carla, lalo siyang nagiging proud sa sarili niya.


Minsan, ikinuwento niya sa kaniyang mga katrabaho ang kaniyang experience sa pag-interview sa isang aplikante.

“And then I asked her, ‘why should we hire you?’ girl, I tell you, she almost fainted! Her face turned white and she keeps on moving like this,” ang pabidang kwento niya habang ginagaya ang kilos ng kawawang aplikante.

"And then she said ‘Ahmm, bekos aym hardworking person, I hab ability,’ My goodness! Di ko alam how I controlled myself from laughing talaga sa mukha nya. Bakit kasi nagta-try pa? She’s so stupd", idinagdag pa niya habang tumatawa.


Nagtanong ang isang kasamahan niya kung paano niya ni-reject ang aplikante. “Well, I just told her na we have chosen already and better luck next time, alam mo na mga pambobola", sabay irap ng kaniyang mga mata.

Maya-maya pa, isang babaeng aplikante ang pinapasok at pinaupo ng guard sa waiting area. Lumapit naman sa kanila ang guard at iniabot ang resume ng bagong dating na babae. Ang babaeng nag-aaply ay isang Indiana at nang matanggap nila Carla at ng mga kasama niya ang resume nito, nagtinginan sila lahat.

“Ako ba or ikaw?” tanong ni Carla. “Pwede namang dalawa tayo diba?”, sagot ng isa pa. Dahil sa lahi ng babaeng aplikante, naisipan nila na mahina ito sa ingles at naghahagikgikan sila habang iniisip ang mga mangyayari.

Dahil sa kanilang naiisip na kamalditahan, inuna nilang ininterview ang Indiana kahit pa may naunang iba rito. Kinakabahan namang pumasok ang Indiana sa loob ng opisina.


"Name?", tanong ni Carla habang nagta-taray. Nanginginig man, sumagot ang Indiana, “Anishka Chopra".

“Describe yourself in 3 words, then explain why,” agad namang tanong ng kasamahan niya.

Utal utal na napasagot ang Indiana, “Hard working.. Dil–diligent, nice. I’m nice. I think I would be beneficial to the company because I, I know how use of excel you know? Microsoft Excel?”

Dahil sa nakita nilang takot, kaba at pagkautal ng Indina, mas lalo naman nila itong pinahirapan habang pingtatawanan.

“Do you know that if ever we hire you, you will be taking calls. Our customers speak english really well and they wouldn’t listen to you if you speak that way,” pananakot naman ni Carla.


“Give me a chance? I’m really good at computers,my dad taught me. Am I, hired?” Dahil sa sinabi na ito ng Indiana, agad nman silang napatawa at sarkastikong sumagot, “Hired? Are you kidding?” "Boba talaga ang babaeng ito, hindi yata nakakaintindi", wika nila.

Habang nilalait ang Indianang aplikante, pumasok naman bigla ang kanilang Site Manager na si Sir Chandresh. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa branch ng call center nila sa Pilipinas.

Bagaman binati nila ang kanilang Site Manager, hindi naman sila napansin nito at agad na nagtungo sa Indianang aplikante na iniinterview nila Carla.

“Anishka! What are you doing here? I told you, you can go directly to my office and you can start working. What are you trying to prove my dear daughter?”, pautal-utal na sabi ni Sir Chandresh.


Napanganga naman si Carla at kaniyang kasama nang marinig nilang tinawag niya itong 'my dear daughter'. Nakalimutan nila na ang kanilang Site Manager ay isa rin palang Indiano na bagaman hindi mahusay sa wikang ingles, magaling naman sa pgpapatakbo ng kumpanya at sa computers.

Napahiya sina Carla at kasama niya. Kaya pala nasabi nila na pamilyar ang apelyido ng Indianang aplikante, anak pala ito ng Big Boss nila. Napahiya man, nananalangin naman sila na huwag silang isumbong ng indiana.

Natuto namn ng leksyon sina Carla. Naging mabait na sila sa mga aplikante. Natutuhan din nilang intindihin ang kaba at takot at huwag silang maliitin lalo na kapag mali ang pagsasalita nila ng ingles.

Source: INDAY TRENDING

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 2 Malditang Empleyado, Pinagtawanan Ang Indianang Ito Nang Mag-Apply Sa Call Center, Di Nila Alam Na Bigtime Pala Ito
2 Malditang Empleyado, Pinagtawanan Ang Indianang Ito Nang Mag-Apply Sa Call Center, Di Nila Alam Na Bigtime Pala Ito
Ang pagsasalita ng Ingles ay hindi batayan para kutyain ang pagkatao ng isa.
https://1.bp.blogspot.com/-ENe2Y11bnnI/XqeCszrzkPI/AAAAAAACMH0/uocdzzLEP_goRPUhzl772xGo8z-rdc2WACLcBGAsYHQ/s640/interview%2Bcall.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ENe2Y11bnnI/XqeCszrzkPI/AAAAAAACMH0/uocdzzLEP_goRPUhzl772xGo8z-rdc2WACLcBGAsYHQ/s72-c/interview%2Bcall.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/2-malditang-empleyado-pinagtawanan-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/2-malditang-empleyado-pinagtawanan-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy