Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa socmed ang isang TV reporter.
Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa socmed ang isang TV reporter mula sa North Carolina dahil ang seryoso sanang weather forecast na kaniyang ini-uulat ngunit nauwi sa katatawanan at nagbigay aliw sa mga netizens na nakapanood sa kanuya.
Ang broadcaster na si Justin Hinton ay nagpunta sa isang probinsya ng Madison, Huwebes noong nakaraang Linggo.
Siya ang tinalaga sa probinsya upang iulat ang pagbagsak ng nyebe na nangyayari noon sa lugar at kung ano ang naging epekto nito sa mga daanan sa lugar.
Ngunit, nang kaniya ng pinintod ang Fb live ng kanilang istasyon para sana ay simulan na niya ang pagre-report sa kasalukuyang kaganapan sa lugar, bigla namang lumabas ang iba't ibang filters sa kaniyang mukha.
Makikita naman sa video na ibinahagi ng socmed page na WLOS ABS 13, simula pa lamang ng live video ng pag-uulat ni Hilton ay mayroon na kaagad na lumalabas labas na iba't ibang filters dito.
“Winter weather has come to Madison County. Justin Hinton is tracking it. What are you seeing where you are?”
Sa unang bahagi ng report, mapapanood na kaagad ang paglabas ng filter kung saan makikita sa kaniyang leeg na tila may nakasabit na isang medalsyon. Sa sumundo naman ay makikita naman na tila umuulan ng gold confetti sa naturang video.
Pinaliwanag naman ni Hilton na hindi niya alam kung ano ang nangyari at lumabas ang mga filter nang matapos na niya ang pagre-report.
Saad niya, siguro daw ay napindot niya ang mga face filters bago pa man niya nasimulan ang paguulat.
Ang video naman ay nagbigay aliw sa mga tao habang pinapanood nila ang weather forecast nito. Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Love all the looks of his face decorations!!!”
“I live in Arizona, I don’t miss snow at all, but the filters on your report made me tune in! I wish all weather reporters had filters. :)”
Maging si Hinton ay ibinahagi rin ang ilang screenshots ng kaniyang larawan habang nag-uulat sa kaniyang socmed account dahil maging siya ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.
Sa kasalukuyan, mahigit 300,000 views na ang naturang weather forecast ni Hinton at mayroon ng mahigit 1,000 likes at 731 shares.
COMMENTS