Kamakailan lamang, ibinahagi niya rin kung paano niya nagawang malampasan ang pagsubok na kaniyang kinaharap nang siya ay mag-positibo sa COVID-19.
Ayon sa ulat nina Issam Ahmed at David Albright ng Agence France-Presse, ang Seattle, USA, ay ang isa sa mga lugar sa iba't ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa katunayan nga, sa naturang lugar ang siyang mayroong pinakamaraming naiulat na n4matay dahil sa naturang v1rus.
Sa kabila nito, mayroon namang mga gumagaling at tuluyan ng nakaka-recover sa COVID-19 at isa na nga dito ay si Elizabeth Schneider na mula sa Seattle, USA.
Kamakailan lamang, ibinahagi niya rin kung paano niya nagawang malampasan ang pagsubok na kaniyang kinaharap nang siya ay mag-positibo sa COVID-19.
Kwento ni Elizabeth, nagsimula daw siyang makaramdam ng matinding pagod o panlalata noong Pebrero 25. Kahit pa man daw nagtaka kung bakit bigla siyang nakaramdam ng ganoon, ipinagsawalang bahala na lamang niya ito dahil sa pag-aakala na ito ay dala lamang ng pagod dahil naging abala talaga siya noong linggo na yun.
Ngunit, nakaramdam na siya ng matinding pananakit ng ulo nang tanghali din ng araw na iyon. Maging ang buong katawan niya ay sumasakit at tila namamanhid na rin. Hanggang sa maramdaman niya na tila mayroon na rin siyang lagnat ng mga oras na iyon.
Kaya naman para malabanan ang lagnat, kaagad daw niya itong ininuman ng gamot.
Kahit pa man din daw nabalitaan na niya na mayroon ng nagpositibo at kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa noong Enero, wala pa rin daw siyang kaide-ideya na kaya pala ganoon ang nararamdaman niya ay natamaan na pala siya ng naturang v1rus.
Ilang araw ang nakalipas, nabalitaan naman niya na ang ilang kasama niya na pumunta sa isang party ay mga nagkasakit din.
Ang lima nga sa mga ito ay nakaramdam din ng parehong sintomas na kaniyang dinanas.
Dahil dito, kaagad siyang nagpa-test at doon niya napag-alaman na negatibo siya sa flu, ibig sabihin ay wala siyang lagnat. Ngunit, nagtaka siya kung bakit tila iba't ibang klase naman ng sakit ang dumapo sa kaniya noon. Kaya naman napagpasyahan ni Elizabeth na magpa-test sa isang research program ng Seattle.
Makalipas ang ilang araw, nakatanggap naman siya ng tawag mula sa laboratory at doon napag-alaman niya na siya ay naging positibo sa COVID-19 noong Marso 7. Noong una, nagtaka daw talaga siya dahil hindi naman ganoon katindi ang sakit na kaniyang nararamdaman kaya bakit naman siya magkakaroon ng naturang v1rus.
Pinayuhan naman siya ng mga doctor na manatili muna sa loob ng kanilang bahay pansamantala sa loob ng isang linggo. Mabilis naman sumunod si Elizabeth sa mga sinasabi ng mga doctor sa kung ano ang kaniyang gagawin para hindi makahawa at maka-recover sa naturang v1rus.
Dagdag niya, maging alerto lamang at huwag na huwag magpa-panic sa mga ganitong klaseng sakuna. Dapat din daw ay alam ang mga dapat gawin tulad ng pagpapahinga, pag-inom ng maraming tubig, at pag-inom ng tamang gamot para tuluyang mapuksa ang COVID-19 sa katawan ng isang tao.
Sa ngayon, masigla at nabawi na rin ni Elizabeth ang kaniyang lakas. Sa katunayan nga, pinayagan na rin siyang makalabas ng kanilang bahay, ngunit, nandoon pa rin ang pag-iingat na umiwas munang pumunta sa maraming tao.
COMMENTS