Marami naman sa mga netizens ang namangha at bumilib sa penmanship ni Renato.
Ngunit, sa kabila nito, mayroon pa ring ilang estudyante na talagang nakakamangha ang kanilang sulat kamay dahil napakalinis at napaka-ayos nitong tignan na maiintindihan mo talaga agad sa unang tingin pa lamang.
Katulad na lamang ng estudyante na ito na naging usap-usapan sa socmed matapos ibahagi ng kanyang guro ang penmanship ng estudyante.
Marami sa mga netizens ang bumilib at namangha sa penmanship ng estudyante dahil tila isang computerized na ito dahil na rin nga napaka-ayos at maging ang linya ay pantay-pantay.
Ibinahagi ng gurong si Rexy Anne Banez sa kaniyang socmed account ang larawan ng maayos at magandang penmanship ng isa niyang estudyante na si Renato Junawan Jr. na isang accountancy student.
Saad ni Banez,
"Flexing my student's amazing penmanship. Mura jud ug gigamitan ug typewriter. (Parang ginamitan talaga ng typewriter). Mapapa-sana all ka na lang."
Marami naman sa mga netizens ang namangha at bumilib sa penmanship ni Renato dahil hindi talaga mahahalata na ito ay isang sulat kamay lamang dahil tila computerized ito sa sobrang linis at gandang tignan.
Ilan naman sa mga accountancy student ang nagkomento at sinabi na bukod sa magandang penmanship na mayroon si Renato, na-balance din nito ng maayos ang equation na ibinigay sa kaniya.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Sana all maganda penmanship at maiintindihan. Sakin minsan daig pa kinahig ng manok ang hitsura."
"Ang nice naman! Sana ganyan din ung pagsusulat ko. Kahit ako mismo hindi ko maintindihan ang sulat ko eh."
"Ang sarap mag-check kapag ganito ang makikita ng guro sa kaniyang estudyante. Pinatunayan niya na accounting is an art."
COMMENTS