Sinasabi na ang kaso na ito ni Arlou ay mild case pa lang ngunit base sa video ay hirap na hirap talaga siyang huminga.
Marso 27, 2020 sa oras na 12:22 AM ay nananatili pa ding gising ang Pinay Nurse na ito at nagkkuwento ng kanyang tunay at totoong nararamdaman habang nakikipaglaban sa sakit na COVID-19 o Corona Virus Disease 2019 na ngayon ay isang pandemic na delubyong maituturing na madami nang kinitil na buhay sa buong mundo.
Siya si Ms. Arlou Anne Klein Manganti - Marsalat, isang Pinay Nurse at dahil daw sa madami siyang natatanggap na text messages at chats mula sa kanyang mga kaibigan ay kinuhanan nya ng video ang kanyang sarili at nagpasalamat sa mga nagdadasal para bumuti ang kanyang kalagayan.
Sinasabi na ang kaso na ito ni Arlou ay mild case pa lang ngunit base sa video ay hirap na hirap talaga siyang huminga. Pati daw ang pagpunta sa toilet ay kailangan daw na naka oxygen sya dahil hindi nya daw kaya at kinakapos sya ng paghinga.
Ang video na iyan ay ang pangatlong araw niya daw sa hospital bilang isang pasyente at hindi nurse.
Ipinakita niya din ang mga gamot na pinapainom sa kanya at taos puso sya sa mga patuloy na nagdadasal sa kanya.
Sinabi pa nya habang malapit ng tumulo ang kanyang luha na "God will make a way, when there seems to be no way" na talaga namang tumatak sa puso ng ating mga netizens.
Sa ngayon ay mabilis itong nag viral sa social media at umabot na sa 9,000 reactions, 600 comments, 3,000 shares at 138,000 views. At narito ang kanyang caption sa kanyang video:
FIGHTING!!!!
As I promised, I will fight and I'm getting there! I felt all your love & support, your overwhelming messages, your concerns & encouragements are unbelievable! Whether you know me personally or not, You have sent me all your positivity and giving me the energy to fight this. Virus!
COMMENTS