Marami naman sa mga netizens ang aliw na aliw sa karanasan na ibinahagi ni Rj.
Matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, marami na sa ating mga Pinoy ang nangamba at natakot sa anunsyo dahilan para rin sila ay mag-panic buying ng mga food supplies at medical supplies sa mga pamilihan.
Ito rin ay matapos ianunsyo ng pamahalaan na ipapatupad na ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon sa loob ng isang buwan.
Dahil sa anunsyo na ito, dumagsa na rin ang ilang Pinoy sa mga pamilihan.

Isa na nga sa kanila ay ang nakakaaliw na karanasan na ibinahagi ng netizen na si Rj Sotelo sa kaniyang socmed account sa kaniyang naging paglilibot sa isang pamilihan para sana mamili ng mga pangunahing pangangailangan nila.
Kwento ni Rj, pumunta daw siya sa isang supermarket kung saan madalas pumupunta ang mga mayayaman, subalit hindi rin siya nakapamili dahil na nga sa haba ng pila nito.
Ngunit, hindi pa naman daw muna umuwi si Rj, bagkus nag-ikot-ikot daw muna sya sa pamilihan at baka sakali na makabili siya kahit pa man mahaba ang pila.
Sa kaniyang pag-iikot, narinig niya daw ang pag-uusap ng ilang mga mayayaman na namimili rin sa naturang supermarket kung saan ang mga ito pa daw ay tila nag-aaway dahil sa hindi magkasundo sa mga pagkain o supplies na dapat bilhin.
Sa magkaparehong post, ibinahagi rin ni Rj ang ilang pag-uusap na kaniyang narinig mula sa mga ito.
Narito ang ilan sa kanila:
"Return that Justin, that's not olive oil."
"Only local brands na lang for ice cream, Dad. I don't want Selecta."
"Dear, ubos na Camembert. That's Bea's favorite pa naman. Hay nako."
Marami naman sa mga netizens ang aliw na aliw sa karanasan na ibinahagi ni Rj.
Umabot naman na sa mahigit na 21,700 reactions at 3,600 comments ang naturang post ni Rj.
COMMENTS