Misis, Nakapag-Ipon At Nagkaroon Pa Ng Investements Kahit Maliit Ang Sahod Ng Mister

Ang kwento na ito ay ibinahagi ng misis sa Facebook page na CFO PESO SENSE.


Kadalasan, marami na sa atin ang nahihirapan mag-ipon ng pera sa bangko o kahit sa piggy bank sa ating mga tahanan.

Madalas pa nga ang ating mga sahod ay tila dumadaan lamang sa ating mga wallet o ATM ng ilang oras lamang. Ito na rin siguro ay dahil sa dami ng mga bayarin natin sa bahay, mga pangunahing pangangailangan na kailangan natin at mga materyal na bagay na nais natin.

Ngunit, tiyak na magsisilbing inspirasyon para sa ating lahat ang ginawa ng misis na ito at ang paraan nito ng pagbu-budget sa sweldo ng kaniyang asawa na Php25,000 kada buwan.

Dahil nga sa kaniyang paraan, nakabili pa sila ng SunLife Insurance, nakaipon ng Php100,000, at nakakuha ng St. Peter Life Plan. Bukod pa diyan, mayroon pa silang natitirang pera na nakalaan naman para sa kanilang iba pang pangangailangan.


“Tiis tiis muna kami ngaun para matugunan lahat yan kasi fixed amount lang din kami 25k monthly ang income at pinagkakasya sa lahat ng yan, tipid tipid lang talaga at wag maxado maluho sa mga bagay bagay. ukay lang masaya na kami mag asawa. nag sshoppee din kami pero gamit ng bata tulad ng diaper at iba pa. abangers din ng mga promo alam yan ng mga mommies,” pahayag ni Misis.

“Kumakain din kami sa jobee kapag nagcrave kaya naglalagay ako ng pang familydate na budget. higpit sinturon lang talaga lahat ng pagtitipid ginagawa ko para makapaglagay ako sa mga organizers namin..”

Ngayon naman na mayroon na silang anak ng kaniyang asawa, maging ito ay nakuha na niya rin ng bagong savings account at plano pa niyang magtabi ng Php50,000 para naman sa kanilang pangangailamgan tuwing mayroong emergency.


Ang kwento na ito ay ibinahagi naman ng misis sa Facebook page na CFO PESO SENSE. Ayon sa kaniya, mayroon lamang silang fixed amount na ginagamit ng kaniyang asawa at iyon ay pinagkakasya nilang lahat para sa kanilang mga bayarin, pangunahing pangangailangan at mga pangangailangan ng kanilang baby. Pagtitipid lamang daw talaga ang ginagawa nila.

“Flex ko lang ung [Metrobank] Fun Savers Club ng baby boy ko na 2weeks old pa lang… Housewife po ako at mas naeenganyo ako magipon ng para kay baby kung nakapassbook para nakikita ko kung magkano na. (1st baby ko nga pala).


METROBANK SAVINGS: Nakapangalan naman sa asawa ko since wala pa aq ID xa kasi complete ang ID nya. Nakamaintain jan ang 100k para in case na mangailangan may makukunan kami at no need na mangutang. Kaso nagastos namin sa pagbili ng 2nd hand na sasakyan.Kaya ngaun inuunti unti naming punuin ulet gang maka 100k ulet.

BDO ATM: Nakapangalan pa din sa husband ko. Again wala pa kasi ako ID’s pero working on it na. Jan ko naman nilalagay ang EMERGENCY FUND namin na hanggang ngaun binubuno pa namin. Sana ngaung yr ay matapos na. 50k ang balak kong E.Fund maliit lang din kasi income namin.


GREEN ORGANIZER: Lahat ng palabas na pera or expenses jan ko nilalagay (example: church, gas, groceries, pamalengke, family date, kuryente, tubig, SSS etc. para pagdating ni JUDITH di ako kakamot sa ulo ko at mag iisip san kukuha ng pambayad.


BLUE ORGANIZER: Eto naman ung fave ko jan kasi ako naglalagay ng pambayad sa investment namin sa ngaun St. Peter na under my name na matatapos na 5 hulog na lang.Thanks God. at SunLife na under sa name ni husband ko na kakaumpisa pa lang din namin.”

Sinabi rin ng misis na ipinost niya ang kaniyang kwento hindi para ipagyabang ang kaniyang mga naipon kung hindi magbigay ng inspirasyon para sa iba na makakaya rin nilang makapag-ipon ng ganito katulad ng kaniyang ginawa.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,229,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,361,Tips,60,Trending,379,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Misis, Nakapag-Ipon At Nagkaroon Pa Ng Investements Kahit Maliit Ang Sahod Ng Mister
Misis, Nakapag-Ipon At Nagkaroon Pa Ng Investements Kahit Maliit Ang Sahod Ng Mister
Ang kwento na ito ay ibinahagi ng misis sa Facebook page na CFO PESO SENSE.
https://1.bp.blogspot.com/-EwVooiROv8U/Xmosc3OIdGI/AAAAAAACE5c/XXsyaeDFSJEym6I8OaXhem30Z5LcVanUQCLcBGAsYHQ/s640/mommy%2Bsavings.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-EwVooiROv8U/Xmosc3OIdGI/AAAAAAACE5c/XXsyaeDFSJEym6I8OaXhem30Z5LcVanUQCLcBGAsYHQ/s72-c/mommy%2Bsavings.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/misis-ibinahagi-kung-paano-sila-mag.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/misis-ibinahagi-kung-paano-sila-mag.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy