Mabilis na naihanda ang mga kit na ito at personal na naiabot sa mga may-edad na kababayan sa kanila mismong pintuan.
Dahil sa mabilis na pagdami ng bilang mg mga infected ng mapaminsalang Corona V1rus o Covid-19 sa Pilipinas, lalo sa National Capital Region o NCR, isang team ang kumilos para masiguro ang kaligatasan ng kanilang mga kababayan lalo na ang mga minamahal na may edad.
Yamang ang mga senior citizen ang inaasahan na mabilis na mahahawahan ng sakit, ipinamamahagi sa bahay-bahay ng mga senior citizen sa Taguig ang "COVID Kit".
Naglalaman ang nasabing kit ng mga pangunahing pandepensa sa kumakalat na v1rus gaya ng face masks, sabong antibacteria1, vitamins at gayundin, isang pamphlet tungkol sa tamang paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa kumakalat na sakit.
Naging posible naman ito dahil sa pagtutulungan ng Mayor's Action Team at BAO Head na si Kapitan Evelyn Tan Arago.
Mabilis na naihanda ang mga kit na ito at personal na naiabot sa mga may-edad na kababayan sa kanila mismong pintuan.
Makikita naman sa larawan na ibinahagi 'Mayor's Action Team' na tulong tulong ang mga health workers, volunteers at iba pang miyembro ng team para agad na ma-repack ang naturang kit.
Makikita din sa larawan na may ilan na sa mga senior citizen ang napaabutan ng naturang kit na ito at makikita ang saya sa kanilang mga mukha at ngiti na hindi mapapalitan.
Pinasasalamatan din naman sina Mayor Lino Cayetano, Congresswoman Lani Cayetano at House Speaker Allan Peter Cayetano para sa kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang mga kababayan.
Umani naman ng maraming reaksyon ang ginawang ito na pamimigay ng Covid Kit mula sa mga netizen. Marami ang natuwa sa aksyong ito ng Taguig City at hinihiling ng marami na sana ay tularan ng maraming siyudad, munisipyo at mga baranggay sa buong Pilipinas ang ginawa nilang ito.
Inaasahan naman ng iba na makatanggap din ng kit ang mga bata yamang sila rin ay prone na mahawa ng sakit.
COMMENTS