Naging usap-usapan sa socmed kamakailan lamang ang isang Landlady matapos nitong magpakita ng kabutihan sa kaniyang tenant sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na talagang maraming pamilya sa ngayon ang apektado ng paglagananp ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng mundo, lalo na sa kanilang mga gastusin at bayarin sa bahay katulad na lamang ng pagkain, bills, at up sa kanilang bahay.
Alam naman natin na tila halos ilang mga Pinoy na rin ang nangungupahan ng kanilang bahay sa ngayon kung saan ito ay kanilang kailangan bayaran kada buwan.
Naging usap-usapan sa socmed kamakailan lamang ang isang Landlady matapos nitong magpakita ng kabutihan sa kaniyang tenant sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Sa ibinahaging screenshot ng conversation ng tenant na si Melinda Lagusad Tagra, makikita na sinabi doon ng kaniyang Landlady na huwag muna niyang bayaran ang upa sa bahay sa darating na bayaran ng upa sa Abril 15.
Ang mensahe naman na natanggap na ito ay talagang ikinagalak at ikinatuwa ng labis ni Melinda. Lubos din siyang nagpapasalamat sa kaniyang Landlady dahil na nga hindi rin niya mababayaran ang upa dahil suspendido rin ang kanilang trabaho ng isang buwan dahil na nga sa COVID-19.
Sinabi rin ng Landlady, sa darating na Mayo 15 na lamang daw niya bayaran ang kaniyang upa at ililibre na lamang daw ang isang buwan bilang tulong na rin para kay Melinda dahil na rin sa krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Pinaalalahanan din ng Landlady ang kaniyang tenant na mag-ingat at huwag na munang mag-alala sa ngayon para sa kaniyang upa. Lubos din siyang nagpapasalamat sa kaniyang Landlady dahil na nga hindi rin niya mababayaran ang upa dahil suspendido rin ang kanilang trabaho ng isang buwan dahil na nga sa COVID-19.
Ngayon naman, ang pera niya na sana ay ipangbabayad sa upa ay maaari na niyang ipambili ng pagkain at mga pangunahin pang pangangailangan sa araw-araw sa panahon ng krisis. Kaya naman laking tulong talaga ang ginawang ito ng kaniyang Landlady para sa kaniya.
"Thank you Lord kakareceived ko lang po ng message from our Landlady na hindi po kami magbabayad ng rent for 1month. Laking tulong po talaga.napakabait nya po at naintindihan nya ang situation ngayon.
Pagpalain po kayo lalo sa Poong Maykapal sa kabutihan nyo po. Salamat po ulit."
Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng paghanga sa landlady dahil na rin sa kabutihang puso nito. Ilan naman sa mga netizens ang napa-sana all pa at hinihiling na sana daw ganoon din ang kanilang Landlady sa kanila.
COMMENTS