Labis naman ang hinagpis at kalungkutan na nararamdaman ngayon ni Joven dahil sa pagpanaw ng kaniyang anak.
Matapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, pansamantala din munang ipinahinto ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Kaya naman ilan rin sa ating mga Pinoy ay pinili na lamang maglakad para lamang sila ay makauwi sa kani-kanilang probinsya at makasama ang kanilang pamilya para sa buong lockdown.
Isa na nga sa mga ito ay ang ama na si Joven Opena na pinili na lamang maglakad mula Bulacan hanggang Bicol.
Ngunit, hindi katulad ng iba, ang paglalakad naman na ginawa nito ni Joven ay para makita niya kahit sandali ang kaniyang anak bago pa man ito sumailalim sa operasyon dahil sa sakit nito.
Ayon sa ulat, simula pa lamang ng buwan ng Enero ay nakapagpagamot na ang anak ni Joven kung saan ito ay na-diagnose sa sakit na gastroenteritis.
Ngunit, makalipas lamang ang ilang buwan, kinailangan muli itong ibalik sa ospital para sumailalim ulit sa isa ang operasyon.
Nagpapasalamat rin naman si Joven parasa mga mabubuting tao na nagpasakay sa kaniya hanggang sa siya ay makarating sa kaniyang pupuntahan. Dahil rin sa tulong na ibinigay nila kay Joven, nakarating naman ito ng ligtas at maayos sa Bicol.
Pero hindi rin naman kaagad nakabisita si Joven sa kaniyang anak na nasa ospital dahil kailangan niya rin munang sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw dahil nga siya ay nagmula pa sa Manila.
Ngunit, ang mas nakakalungkot sa pangyayaring ito ay binaw1an na rin ng buhay ang kaniyang anak, isang araw matapos niyang makarating sa Bicol.
Labis naman ang hinagpis at kalungkutan na nararamdaman ngayon ni Joven dahil sa pagpanaw ng kaniyang anak.
Sa kabila nito, nagpahayag pa rin ng pasasalamat si Joven para sa mga taong naantig sa kwento niya at sa mga taong nagbigay sa kaniya ng tulong, maliit man ito o malaki, dahil lubos nilang kailangan ito ngayon, lalo pa ganito ang nangyari sa kanilang pamilya sa kalagitnaan ng lockdown sa buong bansa.
COMMENTS