Lalakeng Nagbebenta Ng Mahal Na Hand Sanitizer Online, Na-Ban. May 17,000 Na Stocks Pa Syang Natitira

Sa ngayon, marami na rin ang kumikita ng malaki mula sa pagbebenta ng iba't ibang mga medical supplies.


Sa ngayon, marami na rin ang kumikita ng malaki mula sa pagbebenta ng iba't ibang mga medical supplies dahil na rin sa dami ng mga taong nais nitong bumili simula nang kumalat ang balita at bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng mundo.

Ngunit, isang lalaki naman ngayon ang mayroong tinatayang nasa 17,000 na hand sanitizer na hindi niya maibenta dahil pinagbawalan na rin siya ng Amazon at eBay dahil sa taas ng presyo na ipinagbebenta nito.

Dating Air Force technical sergeant at Amazon seller ang 36-anyos na si Matt Colvin.


Tinatayang nasa $90,000 na rin ang kinikita niya dahil na nga sa pagbebenta ng 'pandemic packs'. Siya din ay mayroong nakuha na nasa 2,000 na 'pandemic packs' mula sa isang kumpanya kung saan ito naman ay nabili niya lamang ng nasa $.3.50 kada isa kumpara sa orihinal na presyo na $5 nito.


Ngunit, ito naman ay ipinagbebenta niya sa eBay ng tinatayang nasa $50 at higit pa. Sa kabila ng presyo nito, marami pa rin ang tumatangkilik dito at nauubos kaagad.

Kahit pa man ayaw niyang sabihin ang tunay na bilang ng kaniyang kabuuang kita sa pagbebenta ng 'pandemic packs', tinatayang nasa $90,000 pa rin ang tantya sa kita niya mula sa pagbebenta ng mga ito sa online.


Dahil na rin sa dami ng kinikita ni Matt sa mga 'pandemic packs' na kaniyang ibinebenta, napagdesisyunan ni Matt at ng kaniyang kapatid na pumunta sa kanilang hometown sa Chattanooga, Tennessee noong Marso 1. Kung saan binili nila halos lahat ng alcohol sa mga supermarket at groceries sa kanilang hometown. Sa katunayan nga, napuno ng mga hand sanitizers ang kanilang SUV.

Bukod pa diyan, muling pumunta si Noah sa iba't iba pang lugar sa Tennessee at maging sa Kentucky para lamang bumili ng mga hand sanitizers.



Sa mga sumunod na araw naman, nanatili naman si Matt sa kanilang bahay para naman simulan niyang mag-packed ng mga hand sanitizers at i-post ito sa Amazon at eBay habang ang kapatid naman na si Noah ay pumupunta punta pa rin sa iba't ibang lugar para bumili pa ng mga hand sanitizers.

Ani Matt, “The major metro areas were cleaned out.”

Ipinagbebenta naman ni Matt ang mga hand sanitizers ng mga nasa $70 kada isa. Noong unang araw, nakabenta kaagad siya ng mahigit na 300 nito. Dahil wala na ring mga stocks ng mga hand sanitizers sa ilang pamilihan, wala na ring magagawa ang mga tao kung hindi bumili ng mga ito sa kaniya.

Masayadng masaya rin noon si Matt dahil nga sa dami ng pera na kaniyang nakukuha mula sa mga hand sanitizers na ibinebenta. Ngunit, kahit iniisip ng iba na sinasamantala ni Matt ang nangyayari ngayon dahil na nga sa COVID-19, sinabi naman ni Matt na ito ay pawang paraan lamang ng kaniyang pagne-negosyo.


Tinatayang nasa 17,000 ang hand sanitizers ni Matt na nakalagay sa kaniyang garahe. Alam din noon ni Matt na magiging milyonaryo na kaagad siya ilang araw lamang dahil nga sa COVID-19. Ngunit, ang sayang tinatamasa ay panandalian lamang, dahil noong mga sumunod na araw ay ipina-banned na ng Amazon at eBay ang kaniyang mga posts sa kanilang sites.

“It’s been a huge amount of whiplash. From being in a situation where what I’ve got coming and going could potentially put my family in a really good place financially to ‘What the heck am I going to do with all of this?’

Ngunit, wala ring kahit na sino ang nakaramdam ng awa sa kaniya. Marami nga sa mga netizens ang humihiling na sana ay wala ng bumili na mga hand sanitizers kay Matt dahil sa ngayon, nagkakaubusan na nga mga masks, alcohol, hand sanitizers, at iba pang mga medical supplies dahil sa mga katulad ni Matt na binibili lahat ng mga stocks para ibenta ito ng mahal.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,228,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,358,Tips,60,Trending,377,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Lalakeng Nagbebenta Ng Mahal Na Hand Sanitizer Online, Na-Ban. May 17,000 Na Stocks Pa Syang Natitira
Lalakeng Nagbebenta Ng Mahal Na Hand Sanitizer Online, Na-Ban. May 17,000 Na Stocks Pa Syang Natitira
Sa ngayon, marami na rin ang kumikita ng malaki mula sa pagbebenta ng iba't ibang mga medical supplies.
https://1.bp.blogspot.com/-k-HDSbjqAXw/XnGocNRzvGI/AAAAAAACFfg/Abguh-rPuQc-cv42GP5m5Xht3UKyO3EIACLcBGAsYHQ/s640/hoarding%2Bsanitizer.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-k-HDSbjqAXw/XnGocNRzvGI/AAAAAAACFfg/Abguh-rPuQc-cv42GP5m5Xht3UKyO3EIACLcBGAsYHQ/s72-c/hoarding%2Bsanitizer.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/lalakeng-nagbebenta-ng-mahal-na-hand.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/lalakeng-nagbebenta-ng-mahal-na-hand.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy