Sinabi nga ni Kiray na ipamimigay nya na lang ito sa kanyang mga fans dahil hindi naman niya gusto na ibenta ang mga ito sa bazaar.
Marami ang nag komento sa pinost ng aktress na si Kiray Celis sa kanyang IG noong March 10 kung saan ipamimigay niya ang kanyang mga sapatos para sa kanyang mga fans.
Imbes na itapon ang kanyang mga sapatos, nag tanong si Kiray sa kanyang mga IG followers na may size five at kung sino man ang may gusto ng kanyang mga pares na sapatos ay imemessage lang sya.
At ito ang kanyang IG post kung saan siya ay ma hilig talaga sa mga sapatos:
“Ako po yung tipo ng tao na mahilig sa sapatos pero dalawa lang ang aking paa. Kaya hindi naman lahat nagagamit ko.”
Sinabi nga ni Kiray na ipamimigay nya na lang ito sa kanyang mga fans dahil hindi naman niya gusto na ibenta ang mga ito sa bazaar.
“Kaya imbes na masira at maluma ng hindi ginagamit, bilang di po ako nagbabazaar ng mga preloved ko, binibigay kopo sa mama ko, sister in law, sa mga pinsan at lola ko o mga kaibigan na may kasya. O kahit sino na size 5,” sabi ni Kiray.
“Message niyo lang po ako,” sabi pa niya sa kanyang followers.
Marami naman talaga ang nag komento kaya naman isa sa kanyang fans ay kanyang ni'replyan.
"Yey thank you po size 5 here, di na nakakabili new shoes kasi inuuna yung needs ng twins ko,” komento ng isnag netizen.
Nag reply naman si Kiray ng, “Pasend po ako ng address, name and contact number niyo.”
Talagang mapagbigay ang aktres.
COMMENTS