Kilalanin Ang Tatlong 'Heartthrob' Ng Ligo Sardines Na Namamahala Ngayon Sa Kumpanya

Dito naman nagsimula na rin lumawak ang kanilang brand, kung saan sila ay nagkaroon ng daan-daang trabahador sa kanilang Caloocan factory.


Isa ang sardinas sa nakasanayan na rin nating mga Pinoy na kainin dahil bukod sa ito ay masarap, hindi naman maitatanggi na ito ay mura at mayroon pang magandang benepisyo para sa ating katawan.

Sa loob lamang ng 65 taon simula nang ito ay inilabas sa publiko, nakita na rin natin ang 10 sa 16 na nagmamay-ari ng Ligo sardines, na isa sa pinakakilala at pinakamabiling sardinas ngayon sa bansa.

Ngayon naman, makikita at makikilala na natin ang mga susunod na tagapag-mana at magmamay-ari ng Ligo enterprise - ito ay ang magkakapatid na sina Mikko, Mark, at Macky Tung - kung saan ang mga ito ang siyang nagpapalawak pa ngayon ng Ligo enterprise upang makapagbigay pa ng mas maraming benepisyo mula sa mga Pinoy.



Saad ng Vice President for sales and marketing ng naturang kumpanya at pangalawa sa tatlong magkakapatid na si Mark,

"Sardines are an economically-important fish source, feeding and giving livelihood to millions of Filipinos every year. According to a Food and Agriculture Organization Globefish Report in 2013, Filipinos consume roughly 15 million cases of canned sardines every year.

“It’s something you can always rely on.”

Samantala, noong 1950s ay umabot naman sa mga lokal na pamilihan ang Ligo brand dahil na rin kay Gregory Tung, Sr. Ngunit, ang kaniyang anak na si Gregory Tung, Jr., ang siyang nagpalawak pa lalo ng kaniyang kumpanya noong 1980s.



Dito naman nagsimula na rin lumawak ang kanilang brand, kung saan sila ay nagkaroon ng daan-daang trabahador sa kanilang Caloocan factory at nagbigay rin ng trabaho para sa mga mangingisda sa Zamboanga.

Saad naman ng Vice President for operations at nakakatandang kapatid na si Mikko,

“When [local] fish catch is low, we work 24/7 trying to secure fish outside.”

Dagdag niya,

“Not all brands can use imported fish because not all brands have factories in Metro Manila. In Zamboanga, there’s no port that could handle big vessels.”



Kahit pa man gumagamit sila ng mga lokal na isda, kumukuha pa rin sila ng isda sa iba't ibang bansa katulad ng US, Morocco, India, Japan, China, at Oman.

Halos 10 taon na rin ang nakakalipas simula nang buksan nila ang manufacturing facility sa Zamboanga. Simula nito, nakagawa sila ng limang beses na mas marami kumpara sa mga sardinas na nagagawa nila sa Manila.

Ngunit, sinigurado naman ni Tung Jr. na isa sa kaniyang mga anak ang magpapatakbo ng kumpanya.

“He doesn’t need it since he’s retiring already. So, when we told him that we’ll continue, tinayo ‘yun.”

Sinabi rin ni Mikko na bukal sa loob nilang tinanggap ang nais na ito ng kanilang ama para sa kanila.

Ani Mark, “We want to keep the legacy going.”


Kaya naman makalipas ang isa o dalawang taon nila matapos ang kanilang pagtatapos sa kursong pinili, sila din ay sumama na sa negosyo ng kanilang pamilya at nakabili na rin ng lisenya mula sa California brand Liberty Gold.

Maliban pa diyan, inamin rin ng tatlo na ang Caloocan factory ng Ligo brand ang madalas nilang pinupuntahan tuwing sasapit ang summer hanggang sila ay lumaki.

Sinabi naman ni Macky ang ilan sa kanilang plano para mas palawakin pa ang kanilang kumanya.

“One thing our dad has always taught us is to always innovate. Never stop growing. For how many years, it’s always been sardines in tomato sauce. As classic as that is, people want something new, which is why, this year, we announced new bold and exciting variants.”



Sinabi rin ni Micko na isa sa kanilang pagtutuunan ng pansin ngayon ay ang sriracha sardines na kanilang inilabas noong nakaraang taon dahil ito nga ay isa sa mga pinakamabili sa kanila ngayon.

“The spicy palate of Filipinos has grown throughout the years. So ‘yung dating red namin is no longer enough. Extra hot is just extra hot. At least sriracha will give you the heat and a different kind of flavor.”

Ani Macky, “Given the fact that we are one of the pioneers in the sardine industry, we feel like it’s our obligation, our responsibility, to pave the way for the sardine industry.”



Isa rin sa kanilang mga planong gawin ay ang paggawa ng Ligo sardines na mayroong calamansi flavor, isa sa tinuturing na pinakakauna-unahang calamansi flavor na mayroong nakalagay sa isang sardinas sa bansa.

Hiling rin ng tatlo na sana ay mas tumaas pa ang kanilang magagawa para sa kanilang marketing at branding ng produkto.

“The past generation would always sell the product and not the brand.”


Nakipagtulungan na rin ngayon ang Ligo brand sa isang streetwear brand na SupportYourFriends (SYF). 

Nagbigay rin ng payo si Mikko sa lahat ng mga negosyante na dapat nilang mahalin ang kanilang brand na ibinebenta dahil ito ang isa sa mga pinakaimportante para ito ay maging matagumpay.

“Love your brand because if you don’t, you will fail.”

Sinabi naman ni Macky na isa rin ang pamilya sa mahahalagang bagay pagdating sa negosyo. Aniya,

“No one knows you better than family. Use that to your advantage. Argue together. Solve things together and things will fall into place once you start to grasp family.”

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,228,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,358,Tips,60,Trending,377,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kilalanin Ang Tatlong 'Heartthrob' Ng Ligo Sardines Na Namamahala Ngayon Sa Kumpanya
Kilalanin Ang Tatlong 'Heartthrob' Ng Ligo Sardines Na Namamahala Ngayon Sa Kumpanya
Dito naman nagsimula na rin lumawak ang kanilang brand, kung saan sila ay nagkaroon ng daan-daang trabahador sa kanilang Caloocan factory.
https://1.bp.blogspot.com/-Lx3S1i4ZbsA/Xn23VvvPOSI/AAAAAAACHC0/adR1M77npBMaZkR68cWb6-RgmcyEV60WQCLcBGAsYHQ/s640/men%2Bbehind%2Bligo.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Lx3S1i4ZbsA/Xn23VvvPOSI/AAAAAAACHC0/adR1M77npBMaZkR68cWb6-RgmcyEV60WQCLcBGAsYHQ/s72-c/men%2Bbehind%2Bligo.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/kilalanin-ang-tatlong-heartthrob-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/kilalanin-ang-tatlong-heartthrob-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy