Kaya kung alam naman na may mga parating pa na bisita ay sana tayo na ang maglimit sa sarili natin na huwag na tayong magbalot.
Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa pinakamasayahing tao sa buong mundo. Kahit nga may problema ay makikita pa din sa mga labi ng isang Pinoy ang isang pagiging masayahin at bungisngis na nilalang sa mundong ito.
Bukod sa pagiging bungisngis, palangiti at palatawa ang mga Pinoy ay kilala din tau sa pagiging maloko lalo na sa social media.
Ang mga memes na tinatawag sa socmed ay talagang nakakaaliw at nakakawala ng problema.
Kamakailan lang ay may isang video memes na naman ang umere sa socmed at iyon ay ang pagbabalot ng mga handa sa isang birthday ng mga bisita at may background music na “Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal” na lyrics sa kanta ni Sharon Cuneta.
Tawang tawa naman ang marami sa ating kababayan sa video na ito at umani ng napakaraming reactions sa socmed.
Matapos ang video memes na iyon ay sinundan naman ito ng isang karatola sa isang handaan din at nakasulat sa nasabing karatola ang "BAWAL PO ANG MAGBALOT. KAKAUNTI ANG HANDA. By:SHARON CUNETA."
Sa pangalawang pagkakataon ay sumikat nanaman ang modus na ito at umabot lang naman sa mahigit 2,000 reactions, 1000 comments at humigit kumulang 8,000 na shares.
Di akalain na talagang tatatak ang video na iyon na may musika ni Sharon Cuneta at dinamay pa ang pangalan ng Megastar sa nakapaskil sa karatola.
Samantala ang post na ito ay galing kay Flora Malinay Bayona. Mga Pinoy nga naman bukod sa kilalang masayahin ay likas na din o nakasanayan na ang pagbabalot ng mga natirang handa sa isang handaan.
Mapabinyag, birthday, kasal o piyesta ay present na ang mga plastik na pambalot dyan para sa mga gustong mag uwi sa kani kanilang bahay. Ang problema nga lang, eh paano kung nakabudget o sapat lang talaga ang hinanda diba?

COMMENTS