Makikita sa mga videos na kasama nito ang kaniyang amo.
Marami sa ating mga Pilipino ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil na rin mas mabibigyan nila doon ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya na naiwan sa bansa.
Ngunit, mayroong ilan na hindi pinalad na mapunta sa mabuting amo dahil nakakaranas sila ng diskrimasyon at pang-aabuso sa mga ito. Habang ang ilan naman ay napunta sa mga mabubuting amo na tinuturing naman sila ng mga ito na parang kapamilya na.
Katulad na lamang ng pagtrato ng amo sa Pinay OFW na ito.
Nito lamang, ibinahagi ng netizen na si Shery Rose sa socmed ang ilang mga TikTok videos ng Pinay OFW na may username na 'tatzie_17'. Makikita sa mga videos na kasama nito ang kaniyang amo.
Saad ng ilang netizens, sigurado daw na hindi naho-homesick ang Pinay dahil na rin ka-vibes at makulit din daw ang kaniyang amo. Tila nga daw magkaibigan pa ang dalawa sa mga videos.
Maging sa sayaw ng 'Tala' ay nakisali rin ang amo. Saad naman ni Sherry, tiyak na daw na hindi na siya aalis pa sa kaniyang amo kung ganito rin daw ang magiging amo niya.
Sa iba't ibang makukulit na videos din kasi na inu-upload ni 'tatzie_17' sa TikTok, makikita kung gaano rin kaayos ang trato ng kaniyang amo sa kaniya na tila nga tinuturing na itong kapamilya at tila magkaibigan din silang dalawa dahil sa pagiging malapit sa isa't isa.
Sa isang video din, makikita na ang employer naman ang siyang may hawak ng baby habang ito ay nakikisabay sa pagsasayaw ni 'tatzie_17'.
Marami naman sa mga netizens ang napa-'sana all' nalang sa Pinay OFW at sa amao nito dahil madalang lamang daw kasi talaga ang mga ganitong uri ng amo na itatrato ng maayos ang kanilang mga empleyado at ituturing silang kapamilya at kaibigan.
Ilan naman sa mga netizens ang nagsasabi na hiling lamang nila ay huwag sanang abusuhin ng Pinay ang pagtrato ng mabuti sa kaniya ng kaniyang amo dahil baka puro pagti-TikTok naman daw ang ginagawa nito.
Sana din daw ay pahalagahan nito ang kaniyang trabaho dahil na rin maswerte na siya sa amo na kaniyang napasukan.
COMMENTS