Isang Netizen, Ibinahagi Kung Paano Siya Naging 'PUI' Dahil Sa Katigasan Ng Ulo Ng Ibang Tao

Ang pangyayaring ito kay Bianca ay patunay lamang na dapat pa rin tayong mag-ingat at huwag masyadong magtiwala, lalo na sa mga taong nakakasabay natin dahil hindi rin natin alam kung dala ba nila ang COVID-19.


Kamakailan lamang, ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang kwento kung bakit siya naging Person Under Investigation (PUI) sa kumakalat na virus ngayon na COVID-19.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat ang mabilis na pagkalat ng COVID-19. Sa simpleng hawak o pagtabi mo lang sa isang tao na mayroon nito, maaari ka na kaagad mahawahan sa loob lamang ng 24 oras.

Kaya naman, pinatupad rin ang social distancing kasabay na rin ng enhance community quarantine upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino.


Ngunit, kahit pa man napatupad na ang social distancing bago pa man mapatupad ang community quarantine sa buong Luzon, alam naman natin na naging punuuan rin ang mga bus at ilang mga pampublikong sasakyan dahil na rin sa mga tao na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya habang ang iba ay pupunta naman sa kanilang mga trabaho.

Kwento ng netizen na si Bianca Flor Bolivar Hernando, madalas siyang umuuwi sa kaniyang tahanan sa Aklan tuwing day off niya mula sa trabaho sa Iloilo.


Nagdadalawang isip daw siya noon kung babalik siya sa Iloilo para sa trabaho dahil kailangan rin naman niyang kumita ng pera kahit pa man nababalita na noong Marso 14, 2020 na maglo-lockdown na nga sa kanilang lugar at maging sa Iloilo.

Hapon na noon nang mapagdesisyunan ni Bianca na bumalik ng Iloilo. Sumakay siya sa isang bus, ngunit, hindi pa doon naipapatupad ang social distancing kaya naman masyadong dikit dikit ang mga tao dahil halos mapuno na rin ang bus na sinakyan niya dahil sa dami ng mga uuwi mula sa kani-kanilang mga probinsya.


Hindi daw sya noon masyadong nag-alala dahil lahat naman ng mga kasakay niya ay nakamask. Ngunit, nag-ingat pa rin siya at dinis-infect ang kaniyang upuan maging ang mga bagay na kaniyang hahawakan. Naga-alcohol din siya madalas sa tuwing mayroon siyang mahahawakan na mga bagay.

Ngunit, pagkalipas lamang ng ilang oras, narinig na lamang daw niya ang pag-uusap ng isang babae sa cellphone nito. Doon pa lamang daw ay kinabahan na siya at mas lalo siyang kinabahan at nag-alala nang kausapin ng parehong babae ang lalaking katabi niya.

Dahil sa pag-aalala at takot, mabilis daw niyang sinabi ang pangyayari sa kaniyang pinsan. Sinabi naman daw sa kaniya nito na maligo kaagad pagdating niya sa apartment sa Iloilo at idis-infect ang kaniyang sarili.

Kinabukasan daw ay pumasok na siya sa kaniyang trabaho. Noong una daw ay wala pa naman siyang nararamdaman na kahit ano.


Ngunit, makalipas ang ilang oras, nagsimula na daw manakit ang kaniyang ulo at nang siya ay pinatingin sa nurse sa kanilang clinic, doon daw niya napag-alaman na siya na pala ay nilalagnat. Patuloy rin ang pagtaas ng body temperature niya kaya naman kinwento niya na rin sa nurse ang nangyari sa kaniya sa bus na sinakyan.

Napagdesisyunan naman daw ni Bianca na umuwi muna sa kanila sa Aklan ngunit sinunod niya pa rin ang payo ng kaniyang pinsan.

Sa sumunod na araw, tinext naman niya ang kaniyang mga officemate tungkol sa kaniyang kalagayan kung saan siya ay nailagay na sa PUI habang ang mga tao naman na nakasama niya sa opisina ay nasa PUM.

Napag-alaman din niya na maging ang 3 sa kaniyang mga katrabaho ay nakakaramdam na rin ng mga sintomas na kaniyang nararamdaman, isang araw bago sila magkaroon ng contact sa isa't isa.


Sa ngayon, si Bianca ay naka-home quarantine. Siya ay sinusuri pa rin magpahanggang ngayon ng mga doctor at ng kaniyang pamilya. Dinadalhan dalhan daw siya ng isa sa kaniyang pamilya ng pagkain, tubig o di kaya calamsi juice at iba pang mga pangangailangan.

Pinapalakas din ni Bianca ang kaniyang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas, gulay at pag-inom ng vitamin C. Sa ngayon, hindi pa naman positibo si Bianca sa COVID-19 ngunit ang kinakatakot lamang niya ay baka mahawahan niya ang kaniyang pamilya.

Ang pangyayaring ito kay Bianca ay patunay lamang na dapat pa rin tayong mag-ingat at huwag masyadong magtiwala, lalo na sa mga taong nakakasabay natin dahil hindi rin natin alam kung dala ba nila ang COVID-19.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,230,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,362,Tips,60,Trending,382,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Netizen, Ibinahagi Kung Paano Siya Naging 'PUI' Dahil Sa Katigasan Ng Ulo Ng Ibang Tao
Isang Netizen, Ibinahagi Kung Paano Siya Naging 'PUI' Dahil Sa Katigasan Ng Ulo Ng Ibang Tao
Ang pangyayaring ito kay Bianca ay patunay lamang na dapat pa rin tayong mag-ingat at huwag masyadong magtiwala, lalo na sa mga taong nakakasabay natin dahil hindi rin natin alam kung dala ba nila ang COVID-19.
https://1.bp.blogspot.com/-B30DhPHeccE/XnZEvr-cLjI/AAAAAAACGCA/Aih64Pw4ST8tNh6CGOzzbLgtG69jgfKNACLcBGAsYHQ/s640/woman%2BPUI.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-B30DhPHeccE/XnZEvr-cLjI/AAAAAAACGCA/Aih64Pw4ST8tNh6CGOzzbLgtG69jgfKNACLcBGAsYHQ/s72-c/woman%2BPUI.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/isang-netizen-ibinahagi-kung-paano-siya.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/isang-netizen-ibinahagi-kung-paano-siya.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy