Isang Kumpanya, Namahagi Ng Stay-At-Home Package Sa Mga Empleyadong Apekatado Ng C0VID-19 Lock Down

Lahat ng kanilang mga empleyado ay mananatili lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil ang kumpanya na mismo ang magbibigay sa kanila ng kanilang mga pangangailangan sa gitna ng lockdown.


Isa ang mga empleyado sa mga lubos na apektado ngayon matapos ipatupad ang enhance community quarantine sa buong Metro Manila, Luzon, at ilan pang lugar sa bansa sa loob ng isang buwan.

Parte ito ng ginagawang aksyon ng pamahalaan para makaiwas sa pagdami lalo ng bilang ng kaso ng C0VID-19 sa bansa.

Mayroong ilang empleyado na napilitan na lamang mangutan, ngunit, halos lahat rin ng mga loan companies sa bansa ngayon ay nagsarado na rin pansamantala dahil na nga sa C0VID-19. Kaya naman nangangamba at nag-alala ngayon ang ilang mga empleyado kung saan sila kukuha ng pera na gagamitin nila sa pang-araw-araw na pangangailangan nila ng kanilang pamilya sa loob ng isang buwan.


Nakakatuwa lamang din isipin ngayon dahil mayroon pa ring ilang mga kumpanya ang iniisip pa rin ang kalagayan ng kanilang mga empleyado.

Sa katunayan nga, mayroon ng ilang na mga establisyemento at kumpanya ang nag-anunsyo na magbibigay sila ng 1-month salary advance para sa kanilang mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon ang mga ito ng sapat na pera na magagamit nila para mabili ang mga food at medical supplies na kailangan nila sa loob ng isang buwan at iba pang mga pangunahing pangangailangan.



Isa na nga sa mga kumpanya na ito ay ang Ezential Corporation, kung saan nakasailalim ang Redjuice. Marami sa mga netizens ang bumilib at pinuri ang naturang kumpanya dahil na nga sa 'stay at home' package na ipinamahagi ng mga ito sa kanilang mga empleyado.

Lahat ng kanilang mga empleyado ay mananatili lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil ang kumpanya na mismo ang magbibigay sa kanila ng kanilang mga pangangailangan sa gitna ng lockdown.


Ang memo na inilabas ng naturang kumpanya ay kumalat naman sa socmed kung saan ito ay nagpahanga sa maraming netizens. Marami naman sa mga netizens ang humihiling na sana katulad din ng kanilang kumpanya ang naturang kumpanya na hindi magdadalawang-isip na mamahagi ng tulong para sa mga nangangailangan.

Makikita naman sa memo na inilabas noong Marso 16, ang mga activities ng kumpanya ay suspendido rin hanggang April 14. Ito ay parte ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na community quarantine. Ang lahat ng empleyado namanov ay dapat manatili lamang sa kanilang mga tahanan at sumunod sa mga kautusan na sinasabi ng pamahalaan.

Ngunit, habang sila ay nasa bahay lamang, ang kumpanya naman ay magbibigay sa kanilang ng tulong. Narito ang mga benepisyo na matatanggap ng lahat ng empleyado sa naturang kumpanya:


Ang mga empleyado rin ay dapat na magsabi sa namamahala sa kumpanya kung sakaling kailangan nilang lumabas ng bahay para bumili ng mga groceries at gamot o di naman ay magpa-check up para sa iba pang importanteng rason.

Ang kumpanya rin ay magsasagawa ng random home visit para sa kanilang mga empleyado sa buong buwan na naka-lockdown. Ang mga empleyado naman na lalabas ng kanilang bahay nang hindi urgent at reasonable ay maaaring mapawalang-bisa ang kontrata sa kumpanya.

Gayunpaman, sa mga package na ipinamahagi ng kumpanya sa kanilang mga empleyado, tiyak na mayroon namang karapatan ang kumpanya sa mga patakaran nila para sa kanilang empleyado dahil nais lamang nilang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,229,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,361,Tips,60,Trending,379,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Kumpanya, Namahagi Ng Stay-At-Home Package Sa Mga Empleyadong Apekatado Ng C0VID-19 Lock Down
Isang Kumpanya, Namahagi Ng Stay-At-Home Package Sa Mga Empleyadong Apekatado Ng C0VID-19 Lock Down
Lahat ng kanilang mga empleyado ay mananatili lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil ang kumpanya na mismo ang magbibigay sa kanila ng kanilang mga pangangailangan sa gitna ng lockdown.
https://1.bp.blogspot.com/-CRuTcQ8p9To/XnNrZzrojnI/AAAAAAACFwE/76fmFJ01I5I5odoNFJ8rJhnuuBfGt7V_wCLcBGAsYHQ/s640/company%2Bfoods.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CRuTcQ8p9To/XnNrZzrojnI/AAAAAAACFwE/76fmFJ01I5I5odoNFJ8rJhnuuBfGt7V_wCLcBGAsYHQ/s72-c/company%2Bfoods.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/isang-kumpanya-namahagi-ng-stay-at-home.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/isang-kumpanya-namahagi-ng-stay-at-home.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy