Isang Factory, Nahuli Na Nilalabhan Ang Nagamit Na Mga Face Masks At Ibinebenta Ulit

May isang factory pa nga ang nag-recycle ng used facemask para maibenta muli.


Dahil sa kumakalat na v1rus na Covid 19, malaki ang pangangailangan sa paggamit ng disposable facemask.

Hindi naman maiiwasan na may mga negosyante na nananamantala sa malaking pangangailangan ito sa buong mundo. May isang factory pa nga ang nag-recycle ng used facemask para maibenta muli.

Isang factory sa Nonsuong Sub-district, Saraburi Province, Thailand ang inireklamo dahil umano sa pagrerecycle ng gamit nang facemask. Dahil sa reklamong ito, ni-raid ng awtoridad ang naturang pabrika noong lunes at tumambad sa kanila ang ilegal na gawain ng pabrika.



Ayon naman sa report ng The National Thailand, aktuwal na nahuli ng mga awtoridad ang mga manggagawa ng pabrika na pina-plantsa ang 'nalabhang' gamit na facemask para magmukha itong bago.

Gayundin, isinisilid naman nila ang naplantsang mga face masks sa mga mga kahon.



Narekober din naman nila sa loob ng pabrika ang isang washing machine na hinihinalang ginagamit nila sa paglalaba ng gamit na facemask.


Sa isinagawang imbestigasyon ni Somsak Kaewsena, district chief officer sa Wi-handaeng sa mga naarestong manggagawa, inamin nila na nakatanggap sila ng used na facemask mula sa isang dealer at hindi rin nila alam kung saan nanggaling ang mga ito.

Binabayaran naman sila ng isang baht ( o 4 na Singaporean cents) kada piraso ng facemask.

Ayon pa sa mga manggagawa ng naturang pabrika, nakakapag-produce sila 300 to 400 recycled facemask kada tao sa isang araw.



Ipinasuri naman ng awtoridad  ang mga ni-recycle na facemask sa Ministry of Commerce upang matunton ang pinagmulan ng mga ito.

Hinihimok naman ni Somsak Kaewsena ang Wihandaeng Public Health Office na magsampa ng kaso sa naturang pabrika yamang ang kanilang ilegal na gawain ay puwedeng magdulot ng sakit sa mga makakabili nito pati na sa mga kalapit na komunidad nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang operasyon ng mga awtoridad para mahuli ang may-ari ng pabrika gayundin ang dealer ng gamit na facemask.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,228,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,358,Tips,60,Trending,377,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Factory, Nahuli Na Nilalabhan Ang Nagamit Na Mga Face Masks At Ibinebenta Ulit
Isang Factory, Nahuli Na Nilalabhan Ang Nagamit Na Mga Face Masks At Ibinebenta Ulit
May isang factory pa nga ang nag-recycle ng used facemask para maibenta muli.
https://1.bp.blogspot.com/-f9uEJ0PYHmY/XmslVclnReI/AAAAAAACE74/xBhQLITpnUECPji75sdMIJ9SiCJ-0PZigCLcBGAsYHQ/s640/masks%2Brecycled.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-f9uEJ0PYHmY/XmslVclnReI/AAAAAAACE74/xBhQLITpnUECPji75sdMIJ9SiCJ-0PZigCLcBGAsYHQ/s72-c/masks%2Brecycled.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/isang-factory-nahuli-na-nilalabhan-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/isang-factory-nahuli-na-nilalabhan-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy