Saad naman ni Ian, umiiyak pa daw noon sa kaniya ang anak sa naging rebelasyon nito sa ama habang si Ian naman ay inaayos ang mga motorsiklo niya noon.
Buong suporta ang ibinigay ng actor na si Ian Veneracion para sa kaniyang anak dahil sa pagiging lesbian nito.
Sa naging panayam ng actor sa 'Magandang Buhay' noong Miyerkules, muling inalala ni Ian kung paano umamin sa kaniya ang anak na babae na unti unti na itong nagiging interesado sa mga babae.
Inamin rin ng kaniyang anak na siya ay lesbian noong 16 taong gulang pa lamang ito.
Saad naman ni Ian, umiiyak pa daw noon sa kaniya ang anak sa naging rebelasyon nito sa ama habang si Ian naman ay inaayos ang mga motorsiklo niya noon.
Hindi rin naman daw nagalit noon si Ian sa anak bagkus binigay pa niya ang buong suporta niya dito dahil ito ang ninanais ng puso ng kaniyang anak.
Kwento ni Ian,
"Kinukulit ko 'yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary eyed. Sabi niya 'Daddy, I have to tell you something.' Sabi ko, 'What? Sit down.' Sabi niya, 'I like girls.' Tapos sabi ko sa kanya, 'Me also I like girls.' So parang nagtataka siya, sabi niya, 'It's okay?' Sabi ko, 'Yes. Just don't be ever apologetic about it, not even to me.' Sabi ko, 'You can be whoever you want to be and I have full support.'"
Dagdag pa niya,
"Natawa siya. Sabi niya, 'You know?' Sabi ko, 'Oo naman, bata ka pa ang macho mo na.' So alam ko na dati.
"Nakakapanghinayang lang isa lang ang buhay natin. Tapos kapag nabuhay ka parang apologetic ka pa na nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. Parang what a waste of life."
Sinabi rin ni Ian na maging ang kaniyang asawa ay suportado rin naman para sa kasarian ng anak.
Ani Ian,
"Eventually sinabi ko sa kanya (sa asawa ko). Sabi ko sa kanya, 'Paano kapag nagka-boyfriend si Dids, okay lang?' 'Okay lang.' 'Paano kung magka-girlfriend si Dids, okay lang?' Sabi niya, 'Kung saan siya masaya, masaya ako.' So she has full support of the whole family."

COMMENTS