Trending ngayon sa social media ang litrato ng isa nating frontliner doctor na si Doctor Hadio Ali mula sa bandang Indonesia.
Trending ngayon sa socmed ang litrato ng isa nating frontliner doctor na si Doctor Hadio Ali mula sa bandang Indonesia.
Makikita sa larawan ang pangungulila ng isang ama sa kanyang asawa at mga anak. Narito ang caption ng post na ito:
The last glance: Probably one of the most heartbreaking thing ive seen lately:
Kung para sa karamihan sa atin na isang biro lang ang v1rus na ito ay sana kapulutan ng aral ang mga sakripisyo ng mga bayaning tulad ni Doc Ali na handang mamatay alang alang sa kaligtasan ng karamihan.
Hindi niya inisip ang mga pwedeng mangyari sa kanya bagkus tumupad siya sa mga sumpang kanyang sinambit noong natapos niya ang kursong ginusto.
Talaga namang isang malaking trahedya na ang nangyayari sa kasalukuyan dahil sa sakit na C0VID-19.
Ngunit, bakit madami pa din ang nga pasaway sa atin? Hindi ginusto ng mga frontliners natin na sapitin nila ang pagsasakripisyo at pagtataya ng kanilang buhay para lang tayo ay mapaglingkuran sa abot ng kanilang makakaya.
Ang paghihinagpis ng isang ama at tunay na pagmamahal sa pamilya ang ipinakita ni Doc Ali. Tiniis niya na hindi mahawakan at malapitan ang kanyang mga mahal sa buhay upang masigurado ang kaligtasan nila.
Ilan pa ba ang kailangang magbuwis ng buhay bago tayo sumunod? Ilan pa bang pamilya ang mangungulila? At ilan pa bang istorya ng mga frontliners natin ang dapat nating mabasa para lang mapasunod nila tayo sa mga dapat at bawal gawin?
Sana ay matulungan din natin ang ating mga bayaning Frontliners sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ng gobyerno.
COMMENTS