Nawa nga na ang karanasan na ito ni Catiloc ay huwag nang maulit pa at mabigyan sila ng proteksyon at agarang solusyon sa kanilang cancelled bookings.
Nung isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa Enhanced community quarantine (ECQ), na-lockdown ang halos lahat ng lugar sa rehiyon. Dahil dito, pansamantala ring ipinasara ang mga pagawaan at itinigil ang pampublikong transportasyon para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Gayunpaman, hindi naman ipinasara ng gobyerno ang ilang establisyimento gaya halimbawa ng pagkain at fast food chains.
Ang mga fast food chains na ito ay puwede lang mag-offer ng take out at food delivery. Dahil diyan, kailangan pa rin ang serbisyo ng mga delivery gaya ng Grab Food, Food Panda at iba pa.
Isa sa kanila si Yenyen Catiloc na isang rider ng Grab Food. Nito lang, kumalat ang larawan niya online kung saan mistulang nagpupunas siya ng luha habang kumakain sa gilid ng isang building.
Nagbigay naman ng kani-kaniyang kuro-kuro ang mga netizen sa naging sitwasyon ni Catiloc. Hinuha ng ilan, kinansela ng isang customer ang kaniyang ipina-deliver kaya kinain na lamang niya iyon.
Nilinaw naman ng netizen na si Natdemzon Lazo Pagkanlungan ang totoong istorya sa likod ng larawang ito. Sinabi ni Catiloc, hindi naman siya lumuluha sa larawang iyon. Aniya, sobrang init at pagod na siya nang mga oras na iyon at nasaktuhan naman siyang nakuhanan ng larawan.
Sinabi rin ni Catiloc na ang cancelled order na iyon ay nagkakahalaga ng 300 pesos. Ito ang halaga na inabonohan niya sa sarili niyang pera.
Batay naman sa kanilang patakaran, mare-reimburse naman niya sa kanilang kumpanya ang iniabono niya. Gayunpaman, malayo ang kanilang opisina at matagal na proseso ang pagpapa-reimburse ng pera kaya malaking abala ito sa kanila.
Dahil sa ibang mga iresponsableng kustomer na hindi kumukuha ng kanilang mga inorder, halos araw-araw ay nagkakaroblema ang mga kagaya ni Catiloc sa kanilang bookings. Aniya, ipinagpapasa-Diyos na lang nila ang ganitong mga pangyayari.
Nawa nga na ang karanasan na ito ni Catiloc ay huwag nang maulit pa at mabigyan sila ng proteksyon at agarang solusyon sa kanilang cancelled bookings.
COMMENTS