Nakakalungkot ang ganitong senaryo sa isang kasalan dahil parang ang habol lang pala ng kanilang mga itinuturing na mga espesyal na bisita ay ang pagkain sa kasal.
Ang kasal ay isang sagradong pangyayari sa dalawang pusong nagmamahalan. Para sa babae at lalaking ikakasal ay ito ang kanilang espesyal na araw para sa kanilang dalawa dahil ito ang unang araw na sila ay naging isa at panimula ng kanilang panibagong tatahakin sa kanilang buhay.
Sa isang kasal, bukod sa pag “I DO” nilang dalawa sa isa’t-isa ay isa din sa pinakahihintay ng lahat ay ang Wedding Reception.
Sa Wedding Reception ay naroon ang mga pagkain para sa mga bisita, prosperity dance ng newly wed, pagbibigay ng mensahe ng kanilang mga loved ones para sa kanilang tatahaking bagong buhay bilang mag-asawa, paghahati ng cake, paghahagis ng bouquet at garter at samu’t saring pakulo tulad ng mga games para sa kanilang mga bisita.
Minsan pa nga ay kumukuha pa sila ng professional emcee para lang mas maging lively ang kanilang reception.
Ngunit, paano na kung wala ka na palang aabutan sa inyong wedding reception? At malalaman mo na nagsiuwi na pala ang mga itinuturing mong mga espesyal na mga tao na inimbita mo sa iyong kasal.
Kumbaga “EAT and RUN” kung tawagin, ano kaya ang inyong mararamdaman?
Base sa mga kuha ni James Balmeo na isang professional photographer, makikita ang dalawang magkaibang kasal na kung saan ay nabibilang na lang sa kamay ang natirang bisita sa kanilang mga wedding reception.
Nakakalungkot ang ganitong senaryo sa isang kasalan dahil parang ang habol lang pala ng kanilang mga itinuturing na mga espesyal na bisita ay ang pagkain sa kasal. Isang tradisyon na ba itong maituturing ng mga Pinoy?
Sana hindi na ulit mangyari ang mga ganitong nakakalungkot na kaugalian ng mga Pilipino.
Always remember na ikaw ay inimbita sa isang kasal dahil ikaw ay naging parte ng kanilang journey nang sila ay magkasintahan pa lamang at ngayong ikinasal na sila ay dapat na matuwa at matouch ka dahil naalala ka nila at naging parte ka ng kanilang love story.
COMMENTS