Noong unang nyang naranasan sabi niya baka chikungunya lang matapos makaranas ng pabalik balik na lagnat, masakit na ulo, katawan at hindi makakain.
Si Dra. Grace Caras Torres, ay isang OB-gyne sa St. Lukes Quezon City ospital. Sya ay nag positibo sa C0VID-19 at kasalukuyang patient 194.
Ayun sa kanyang socmed post, ibinahagi niya ang kanyang storya matapos makaranas ng sintomas ng C0VID-19.
Noong unang nyang naranasan sabi niya baka chikungunya lang matapos makaranas ng pabalik balik na lagnat, masakit na ulo, katawan at hindi makakain. Noong mga panahong iyon, nagsisimula palang ang giyera ng Pinas mula sa naturang sakit.
Matapos ang ilang araw, hindi niya akalain na magiging positibo sa confirmatory test ng COVID-19.
"Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko, ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors. Inexpose ko sila, umiyak ako noon. Di bale nang ako, wag lang sila."
Matapos noon ay nagkulong lang siya sa kanyang kwarto. Nag birthday na naka quarantine na may sakit na nakakamatay.
"Buti pala umabot pa ako ng 42. Wala akong choice kundi libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng socmed." sabi pa niya.
Ang ibang kasamahan niya sa trabaho ay na incubate at 4 na dito ang namatay.
"Akala ko pagaling na ako, bigla akong nagtae. Sabi sa Wuhan, pag nagkaroon ng GI symptoms, tuluy-tuloy nang pumapangit ang kundisyon. Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay." saad pa ni Dra.
Dahil dito sa mismong pahayag ni Dra. Sinabi niya sa karamihan na kamustahin ninyo ang iyong pamilya na naka quarantine, hindi niyo alam ang kanilang iniisip, at ang pag hihirap nila sa ganitong laban.
"Sana matapos na ito. Sana gumaling na kami. Sana wala nang mamatay." sabi pa ni Dra.
Walang mag aakala na sa isang iglap malalaman mo nalang na ikaw ay madadapuan ng ganitong sakit. Ipagdasal natin ang kalagayan ng mga taong naging positibo sa ganitong sakit, at pati na ang mga Frontliners kung saan sila ang nagsisilbing bayani.
Lalo na wag natin kalimutang mag dasal sa ating mahal na Panginoon, ipagdasal na atin na ito ay tuluyan ng mawala.
COMMENTS