Siya ay isa sa mga doktor kung saan inalaan ang buong oras sa ibat ibang pasyente na positibo sa sakit.
Mulat sa ating isipan ang nangyayari sa ngayon, walang ibang laman ang balita kundi tungkol sa pagkalat ng corona virus sa buong mundo. Ito ang naging dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga taong namamatay.
Ayun sa New York Times, February 22,2020, China National Officials nag pahayag na 889 ang bagong kaso na lumaganap sa loob lamang ng 24 oras, kung saan patuloy na tumataas sa 75,000. 118 ang namatay at tumaas sa ngayon hanngang 2,236.
Sa malaking bilang na ito ikanalulungkot na isa sa mga nasawi ay ang isang frontliners na doktor na si, Dr. Peng Yenhua.
Siya ay isa sa mga doktor kung saan inalaan ang buong oras sa ibat ibang pasyente na positibo sa sakit. Dahil sa kanyang trabaho at pagtulong sa kapwa nakalimutan niya ang mamuhay ng normal sa labas.
Isa pa dito siya ay naging positibo sa naturang virus ngunit kahit na ganun, buong pagod at oras parin ang kanyang ginugol sa kanyang mga pasyente.
Sa ngayon, maraming tao ang nalungkot sa likod ng storya sa buhay ni Dr. Peng. Ang 29 year old na doktor ay ikakasal sana ngunit mas pinili ang kanyang trabaho dahil mas marami ang nangangailangan sa kanya sa pagharap sa kasong Covid19 Outbreak.
Ang kanyang asawa ay buntis sa kanilang anak.
Dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang trabaho, siya ay patuloy na tumutulong sa kapwa kahit na siya ay positibo din sa virus.
January 25 noong sya ay tini test at naging positibo. 5 araw ang naka lipas ng lumala ang kanyang sakit, at agaran siyang inilipat sa ibang hospital.
Ngunit sa kasamaang palad siya ay namatay noong gabi ng February 20,2020. Siya ay ika walong namatay na Doktor dahil sa nasabing virus sa China.
Labis na matatawag na bayani ang Doktor, inuna ang kaligtasan ng iba kaysa sa sarili. Ang ganitong tao ay kailangan ng ating mundo.
COMMENTS