Dalaga, Ikinwento Kung Paano Siya Muntik Magka-Boyfriend Sa Pag-Angkas Sa Di Kakilalang Motor Para Makauwi

Dahil wala na rin nagawa, napilitan na lamang siyang makiusap sa isang rider na naka-motor kung maaari siya nitong ihatid pauwi sa Cavite.


Matapos kumpirmahin ng Department of Health ang patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng C0VID-19 sa bansa, minabuti na ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng pamahalaan na magsagawa ng enhanced community quarantine sa buong Luzon sa loob ng isang buwan.

Ito ay sinimulan na nga noong Marso 15, 2020, kung saan nagtalaga na rin ang pamahalaan ng mga kapulisan sa bawat labasan at pasukan sa buong Metro Manila gayon na rin sa ibang parte pa ng Luzon.

Dahil dito, nahihirapan na rin ang ilang mamamayan na humanap ng masasakyan pauwi sa kanilang mga tirahan. Ang iba ay wala na lamang nagagawa kung hindi maglakad pauwi sa kanilang bahay habang ang iba naman ay nakikiusap na lamang sa ibang mga riders kung maaari sila nitong ihatid sa kanilang bahay.


Katulad na lamang ng kumakalat na kwento na ito ng isang netizen tungkol sa kaniyang nakakaaliw na karanasan makauwi lamang sa kanila.

Kwento ng netizen na si Ritch Dagos, pauwi pa lamang daw siya noon sa Cavite, ngunit, dahil pinatupad na nga ng pamahalaan na hindi muna maaaring bumyahe ang kahit anong mga public transportation, nahihirapan na daw siyang makahanap ng masasakyan.


Dahil wala na rin nagawa, napilitan na lamang siyang makiusap sa isang rider na naka-motor kung maaari siya nitong ihatid pauwi sa Cavite.

Pumayag naman daw kaagad ang naka-motor. Subalit, naharang naman sila ng mga pulis sa kalagitnaan ng kanilang byahe.

Ngunit, nagdahilan na lamang daw ang driver ng motor na girlfriend niya ang angkas niya at sinundo lamang siya nito dahil wala na ngang masakyan pauwi.


Dahil dito, nakisali na rin si Ritch sa usapan at nagpanggap na lamang din na kasintahan ang driver nang sa gayon ay mapalampas sila ng pulis.

Marami naman sa mga netizens ang aliw na aliw sa karanasan na ito na ibinahagi ni Ritch. Ilan sa kanila ang nagbiro pa kung nagbigayan na daw ba ng number si Ritch at ang driver at ang iba naman ay sinasabi pa na nakahanap daw ng instant jowa si Ate.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit na 177,000 reactions, 21,000 comments, at 71,000 shares ang naturang post.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Dalaga, Ikinwento Kung Paano Siya Muntik Magka-Boyfriend Sa Pag-Angkas Sa Di Kakilalang Motor Para Makauwi
Dalaga, Ikinwento Kung Paano Siya Muntik Magka-Boyfriend Sa Pag-Angkas Sa Di Kakilalang Motor Para Makauwi
Dahil wala na rin nagawa, napilitan na lamang siyang makiusap sa isang rider na naka-motor kung maaari siya nitong ihatid pauwi sa Cavite.
https://1.bp.blogspot.com/-90BGRudTLqU/XnGiMoNS3HI/AAAAAAACFd0/hUGV1uP25Qoa7wk-btZT_zRu6y2E5QvOwCLcBGAsYHQ/s640/riding%2Bcity.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-90BGRudTLqU/XnGiMoNS3HI/AAAAAAACFd0/hUGV1uP25Qoa7wk-btZT_zRu6y2E5QvOwCLcBGAsYHQ/s72-c/riding%2Bcity.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/03/dalaga-ikinwento-kung-paano-siya-muntik.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/03/dalaga-ikinwento-kung-paano-siya-muntik.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy