akikita sa mga larawan na ibinahagi ng mga netizens sa social media na kulay asul na ito at mapagkakamalang ito ang Boracay na talagang kawili-wiling tignan.
Marahil ay naaalala pa rin ng marami sa atin ang dating hitsura ng Manila Bay. Napakarumi, maraming basura, kulay itim na dahil sa burak na napasailalim nito at talaga namang perwisyo lalo na kapag panahon ng sakuna.
Dahil dyan, nagsikap ang pamahalaan kasama na ang libu-libong boluntaryo nito na unti-unti linisin ang naturang baybayin at maibalik ang tunay na kagandahan nito.
Naging matagumpay naman ang pagsisikap ng karamihan sa paglilinis ng Manila Bay. Gayunpaman, nananatili pa ring marumi ang tubig nito dahil hindi pa lubusang nalilinis ang pinakailalim nito kaya naman patuloy pa rin ang ang pagsisikap ng DENR at ng pamahalaan ng Maynila para sa patuloy na pagpapaganda rito.
Nito namang nakaraang mga araw, naging kapansin pansin at naging usapan ng maraming netizen ang biglang pagbabago sa kulay ng tubig sa ilang bahagi ng naturang baybayin.
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng mga netizens sa social media na kulay asul na ito at mapagkakamalang ito ang Boracay na talagang kawili-wiling tignan.
Marami naman ang naging haka-haka sa biglang pagbabagong ito. Sinasabi ng ilan na baka dahil ito sa 30 araw na lockdown na ipinatupad sa Maynila dahil sa kumakalat na Covid-19.
Posibleng dahil daw sa pagsasara ng mga pabrika at hindi paggamit ng mga sasakyan, nabawasan ang polusyon sa kapaligiran anupat nakaapekto sa kulay ng tubig sa Manila Bay.
May ibang hinala naman ang iba. Sa report ng GMA News, sinabi ng Philippine Coast Guard na ang pagbabago ng kulay ng ilang bahagi ng katubigan ng Manila Bay ay posibleng dahil sa mga pollutants na humalo rito.
Bagaman hindi pa alam ang tunay na dahilan ng kakaibang pagbabago ng kulay ng tubig sa Manila Bay, umaasa tayong lahat na maging tuluyan nang malinis ang kabuuang bahagi nito, maging tunay na ‘Boracay’ ng Maynila at magbigay kapurihan sa ating bansa.
COMMENTS