Maliban naman sa mga tao, marami rin mga hayop ang naapektuhan ng pagkalat ng COVID-19.
Tinatayang nasa 156,432 na katao na ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo. Ang bilang naman na ito ay malaki pa rin kaya naman dineklara na rin bilang pandemic ang naturang v1rus ng World Health Organization (WHO) nitong mga nakaraang buwan.
Hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin na kumakalat ang COVID-19 sa buong mundo at parami na rin ng parami ang kaso ng mga nahawahan at nagkaroon nito.
Kaya naman, ilan rin sa mga bansa at lugar sa iba't ibang panig ng mundo ay nagkaroon na ng lockdown habang ang iba ay tuluyan ng sinarado ang kanilang bansa nang sa gayon ay wala munang makakapunta na mga turista pansamantala bilang parte na rin ng aksyon para sa kaligtasan ng mga tao laban sa COVID-19.
Maliban naman sa mga tao, marami rin mga hayop ang naapektuhan ng pagkalat ng COVID-19, lalo na ang mga hayop na umaasa lamang sa mga pagkain na ibinibigay sa kanila ng mga turista.
Isang video clip ang kumakalat kamakailan lang kung saan makikita na maraming mga unggoy ang nagkalat sa mga daan sa Thailand. Tila mga gutom na gutom ang mga ito dahil wala na ring mga turista ang nagpupunta para pakainin sila dahil sa COVID-19.
Maraming mga unggoy sa naturang bansa ang umaasa lamang sa mga pagkain na ibinibigay sa kanila ng turista dahil ang iba rin sa mga unggoy na ito ay hindi kayang maghanap ng kanilang sariling pagkain sa kagubatan.
Dahil dito, siguro ay nagugutom na rin ang mga unggoy at dahil wala naman silang kakayahan na makapaghanap ng pagkain sa kagubatan ng sarili lamang nila, daan daang unggoy ngayon ang nagkalat sa Thailand at pumupunta sa bawat bahay sa naturang bansa.
Makikita na daan daan na unggoy ang nasa kalye at naglalakad lakad ang mga ito sa iba't ibang lugar kung saan sila maaaring makahanap ng pagkain na maaaring makain dala na rin ng gutom na kanilang dinaranas.
Para naman sa mga unggoy na ito, makakita lamang sila ng mga tao ay inaakala na nila na mayroong pagkain ang mga ito na ibibigay sa kanila.
Ngunit, dahil hindi na rin nakakapagbigay sa kanila ng pagkain ang mga tao, kinailangan ng pumunta ng mga unggoy na ito sa mga kabahayan sa Thailand at maghanap doon ng kahit anong pagkain na maaari nilang kainin.
Dahil na rin nagkakaubusan na ang mga food supplies dahil sa COVID-19, marami naman sa mga tao ang mas natatakot at nagpa-panic dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon ngayon, lalo pa at kumalat na ang video na ito ng mga unggoy.
Sana lamang ay walang gawin na kahit ano ang mga unggoy na ito sa mga mamamayan sa Thailand. Hiling namin ang kaligtasan ng bawat isa.
COMMENTS