Sinabi ng bata na ang kinakain niya halos mag-i-isang linggo na ay karton lamang.
Totoong kahabag-habag ang sitwasyon kapag hindi nakakakain ang isang bata dahil sa hirap ng buhay. Ganiyan ang pinagdaraanan ng batang si John Mark Sta. Ana o JM.
Ibinahagi ni Ienstien Hortal ang kuwento ng batang si JM. Ayon sa kaniyang FB post, kumakain siya sa 7-11 sa Sampaloc, Tanay at doon niya nakita si JM.
Habang kumakain, natanaw niya si JM na tahimik na kumakain ng karton. Nang magkaroon ng pagkakataon at lakas ng loob, nilapitan niya si JM at kinausap.
Tinanong niya ang bata kung bakit ito ang kinakain niya. Sinabi naman ni JM na ito na ang kinakain niya halos mag-i-isang linggo na.
Aniya sa kaniya post, matino naman niyang nakakausap ang bata. Sinabi niya na edad 16 na siya ngunit hindi na nakapagtapos ng grade 6 kung saan dapat ay graduating na siya. Sinabi din ni JM na gusto niya pa rin na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
Tinanong naman si Ienstien kung saan tumutuloy si JM. Sinabi naman niya na natutulog siya sa tabi ng Dimsum, pero lagi siyang nagpupunta malapit sa 7-11 tuwing 7:30 ng gabi.
Nang tanungin naman tungkol sa kaniyang pamilya, sinabi niya na pito silang magkakapatid. Naghiwalay na rin ang kanilang mga magulang at inabandona na sila. Mayroon na daw silang sari-sariling pamilya. Ang nanay niya ay nasa Montalban daw ngayon samantalang nasa Maynila naman ang kaniyang tatay.
Dahil sa pagkadama ng habag, ibinahagi ni Ienstien ang kuwento ni JM sa kaniyang socmed account kasama ang larawan ng kabataang ito. Umaasa naman si Ienstien na marami ang makapansin sa sitwasyon ni JM at matulungan siya at ang kaniyang mga kapatid.
Maaari din naman na personal na silang magbigay ng tulong sa batang si JM yamang nasa iisang lugar lang naman siya at gayundin, maaari rin natin siyang isama sa ating mga panalangin.
Nawa nga ay matulungan ng gobyerno ang kabataang ito, muling makapag-aral at muling makadama ng pagmamahal ng pamilya.
COMMENTS