Dahil sa pursigidong makapasok ang mga bata sa paaralan, walang ibang magawa ang magulang kundi isilid na lamang sila sa loob ng plastic bag para maka tawid sa ilog.
Sa maraming lugar, mayroong mabuting daanan ngunit ilan sa mga tao ay hindi nakakaranas nito. Ang daan at tulay ang syang nag sisilbi upang makarating tayo sa ating paroroonan.
Subalit, hindi lahat sa atin ay nagkakaroon ng magandang daanan at tulay na tinatahak araw-araw. Merong lugar gaya lamang ng mga bundok na malapit sa ilog, na walang tulay na ginagamit upang makatawid sa kabilang banda.
Sa Huoi Ha Village, Vietnam, ang mga magulang dito ay pinapagamit lamang ng plastic bag ang kanilang mga anak at ito ang nagsisilbing paraan upang makatawid ang mga bata sa kanilang paaralan.
Tuwing tag init ay madadaanan ang ilog. At patuloy na ginagawa nga mga ama dito ang tulay, ngunit sa pag sapit ng tag ulan ay nagigiba din ito dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.
Dahil sa pursigidong makapasok ang mga bata sa paaralan, walang ibang magawa ang magulang kundi isilid na lamang sila sa loob ng plastic bag para maka tawid sa ilog. Kahit na basa ang kanilang mga magulang okay lang, ng sa gayon makapasok lang ang kanilang anak ng hindi basa.
Ngunit naging delikado ito sa mga bata dahil baka hindi sila maka hinga sa loob ng plastic bag. Kaya naman dali dali ang paglangoy ng ama sa kabilang banda para ma siguro na kaligtasan ng kanilang anak.
Noong una ay gumamit din sila ng bangka ngunit ito ay tinatangay lamang ng malakas na agos ng tubig. Kaya sa ganitong paraan nalamang nila ginagawa.
Matapos makatawid ay malayo pa din ang lalakarin para makarating sa paaralan ngunit ito ay naging araw araw na gawain nila.
Sana naman ay dumating ito sa kanilang gobyerno ng sa gayon ay matulungan sila at ma siguro ang kanilang kaligtasan.
COMMENTS