Dahil sa ganitong buhay namulat si Dante, pinlano ng ama ni Dante na maranasan niya ang mahirap ng buhay sa loob ng isang linggo.
Isang mayamang lalaki ang may anak na binata na nagngangalang Dante. Lumaki sa mariwasang pamilya si Dante hindi gaya ng kaniyang ama na nagmula sa isang mahirap na pamilya.
Sinikap ng ama ni Dante na makahanap ng trabaho at dahil sa kaniyang kasipagan, umangat siya sa buhay.
Ngayon, si Dante ay nagtatamasa ng magandang buhay. Mayroon silang magagarang sasakyan at nag-uumapaw ang kanilang hapag-kainan.
Dahil sa ganitong buhay namulat si Dante, pinlano ng ama ni Dante na maranasan niya ang mahirap ng buhay sa loob ng isang linggo.
Kinausap si Dante ng kaniyang ama na pansamantalang tutuloy siya sa isang mahirap na pamilya. At habang nakatira siya doon, ituturing siya ng pamilya na pangkaraniwang tao na kakain at magtatrabahong kasama nila.
Makalipas ang isang linggo, kinamusta si Dante ng kaniyang ama at kung may natutuhan siya sa isang linggong panunuluyan niya sa mahirap na pamilyang iyon.
Sinabi naman ni Dante ang mga natutuhan niya noon mg manirahan siya kasama nila. Ikinumpara niya ang mga bagay bagay na pinagkaiba ng kanilang pamilya.
Mayroon silang isang aso samantalang mayroon apat na aso ang mahirap na pamilya. Wala silang garden at swimming pool sa bahay pero mayroon naman silang ilog na patuloy ang pag-agos ng tubig.
Hindi mamahalin ang ilaw nila pero mayroon silang bituin na nagsisilbing tanglaw nila sa gabi. Wala man silang patio pero mayroon silang magandang kapaligiran. Hindi sila bumibili ng pagkian dahil may pananim naman sila.
Wala silang mataas na bakod bilang proteksyon pero mayroon silang mapagmalasakit at mabubuting kapitbahay na nakapaligid sa kanila.
Nagulat ang ama sa sinabi ng kaniyang anak. Hindi niya inakala na sa loob ng isang linggo, maraming natutuhan ang kaniyang anak.
Gayunpaman, mas nagulat si Dante sa huling sinabi ng kaniyang anak : ''Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap."
Hindi batayan ang pagkakaroon ng maraming pera at pag-aari para masabing tunay na mayaman ang isang tao. Kung kuntento ang bawat isa sa mga bagay na mayroon siya, hindi na siya maghahangad ng iba pa.
COMMENTS