Inilapat niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng tubig. Maya-maya lumabas ang isang makintab, maitim ang napakalaking nilalang-dagat.
Sa panahon ngayon, iba't-iba na ang nais ng mga bata na alagaan bilang kanilang "pet". Mula sa cute na mga aso at pusa hanggang sa katakot-takot na malalaking gagamba.
Pero na-eexcite ang mga bata sa ganitong uri ng "pet". At dahil sa iba't ibang uri ng hayop ang ginagawang "pet" ng mga tao, kakaiba rin ang trip na "pet" ng isang bata sa Canary Islands sa Spain.
Makikita sa video ang isang bata na nasa dagat. Maya-maya pa, inilapat niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng tubig na para bang nagbibigay-senyales sa mga nasa ilalim ng dagat.
Unti-unti pa, lumabas ang isang makintab, maitim ang napakalaking nilalang-dagat. Isang napakalaking stingray ang pumaibabaw at lumapit sa palad ng bata.
Pero hindi lang isang stingray ng lumapit sa bata kundi napakarami pa! Alaga pala niya ang lahat ito!
Hindi naman aggressive ang mga stingrays maliban na lang kung di-sinasadyang nagulat sila o naapakan. Malapit na kamag-anak din sila ng mga pating at may lason din sa kanilang mga buntot na nakapagdudulot ng napakatitinding kirot na maaaring nagkaroon pa ng mas malalang epekto sa tao kapag nasaksak nito. Dahil dito, lubhang iniiwasan ng mga tao ang mga stingrays.
Bagaman maraming tao ang natatakot sa mga stingrays, hindi naman ganito ang reaksyon ng bata sa nilalang-dagat na ito. Sa halip, buong pagtitiwala pa niyang pinakakain ang mga stingrays sa kaniyang palad.
Kaya naman, makikita natin sa video na nagtitiwala ang bata sa mga stingrays at gayundin, nagtitiwala rin ang mga ito sa kaniya.
Hindi na rin magtatagal at ang mga mababangis na hayop ay mapapaamo na rin ng mga tao. Kaya naman mahalaga na maipanalo ng mga tao ang pagtitiwala ng mga hayop at bigyan sila ng tamang aruga at pag-aalaga na kailangan nila mula sa mga tao.
COMMENTS