Nakausap niya rin si Tatay Jimmy at naikwento nito na kakagaling lamang nito sa sakit na str0ke.
Kamakailan lamang, isang larawan na ibinahagi ng netizen na si Jayson Villeza sa kaniyang socmed account.
Kwento ni Jayson, isang TUP graduate, siya lamang ay napadaan sa Technological University of the Philippines noong Huwebes, Pebrero 6, 2020, dahil mayroon siyang kukuhanin na ilang mga dokumento sa kaniyang naging paaralan, nang kaniyang makita ang isang lalaki na nagbibigay ng libreng tao sa labas ng kanilang campus.
Sinabi din niya na nilapitan niya ang taho vendor, na nakilala naman niya bilang si Tatay Jimmy, dahil napukaw ng kaniyang atensyon ang isang papel na nakadikit sa tali ng hawakan ng tao ni Tatay Jimmy na kung saan may nakasulat dito na 'Libreng Taho'.
Pagbabahagi ni Villeza,
"Kahapon kasi nang makita kong libre, na-curious agad ako. Halatang frustrated siya eh. Kasi wala masyadong nabili. Binayaran ko muna ng bente kahit libre raw."
Nakausap niya rin si Tatay Jimmy at naikwento nito na kakagaling lamang nito sa sakit na str0ke kaya naman pinili na lamang niyang magbigay ng taho ng libre nang sa gayon ay hindi na ganoon kabigat ang magiging bitbit niya at nang siya ay makauwi ng maaga upang makapagpahinga na.
Matapos marinig ang kwento ni Tatay Jimmy, naantig naman si Villeza na kahit ito ay kakagaling lang sa sakit nakuha pa rin nitong magtrabaho upang kumita ng pera imbis na magpahinga na lamang.
Dahil dito, naisip ni Villeza na tulungan na lamang si Tatay Jimmy sa kaniyang pagbebenta at pag-aalok ng taho. Binili rin niya ang kalahati ng taho na natitira pa sa lalagyan ng taho vendor para naman sa gayon ay maibalik pa ang puhanan ni Tatay Jimmy sa kaniyang tinitindang taho.
"Paglabas ko tinulungan ko siya maglako at mamigay. Binili ko na halos kalahati ng tinda niya kasi puhunan niya dun ay 700. At hanggang maubos sinamahan ko siya."
Ibinahagi naman ni Villeza ang kwento ni Tatay Jimmy dahil nais niyang mas marami pang bumili dito ng taho. Nais din niyang maglikom ng pera para mabilan naman niya ng sidecar ang taho vendor.
Saad din ni Villeza na plano niyang bisitahin si Tatay Jimmy sa mga susunod na araw para malaman niya kung kailan niya maaaring ibigay ang mga donasyon para sa kaniya.
COMMENTS